VP Leni sa umano'y fake news sa kanya: "Patuloy na nagbibigay serbisyo"
- Matapang na nagbigay ng pahayag si Vice President Leni Robredo patungkol sa mga kumakalat na fake news sa kanya
- Tila hindi siya nababahala gayung kumpleto umano siya ng resibo
- Sa kabila nito, nanatili umano siyang nakatayo at patuloy na nagseserbisyo
- Matatandaang kamakailan ay inalmahan na ni VP Leni ang umano'y kumakalat na 'fake news' na may una siyang asawa at anak
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kasama sa nabanggit ni Vice President Leni Robredo sa kanyang final statement sa Comelec presidential debate ang patungkol sa mga fake news na naibabato sa kanya.
Nalaman ng KAMI na resibo umano ang kanyang panlaban dito upang patunayang wala umanong katotohanan ang mga mapanirang salita at kwento na pilit na ipinupukol sa kanya.
"Kahit ano pong kwento ang ipakalat sa'kin, ang totoo kumpleto po kami ng resibo," ang bahagi ng kanyang final words sa presidential debate na dinaluhan ng lahat ng kumakandidato sa pagka-pangulo maliban kay dating senador Bongbong Marcos.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa kanya ring Facebook post, nagbigay muli ng pahayag si VP Leni sa kaliwa't kanang fake news tungkol sa kanya.
"Kaliwa’t kanan ang fake news na binabato, hindi na rin mabilang ang panloloko. Pero heto tayo’t nakatayo—patuloy na nagbibigay serbisyo."
Matatandang una nang inalmahan ni VP Leni ang patungkol sa kumakalat na fake news kung saan sinasabing nagkaroon na siya ng unang asawa sa edad na 15 at nagkaroon din umano siya ng anak dito na kanya pa raw inabandona.
Pinabulaanan niya ito at sinabing kung may naniniwala pa rin sa mga kumakalat na balitang ito, ipagdadarasal na lamang niya.
"Ni minsan, hindi ko hinayaan maging sagabal ito sa trabaho ko. Pinaghusayan ko pa din kahit pinapahirapan ako. Resibo ko ang lahat na na accomplish ng aming opisina in the last 6 years."
Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay ang misis ng namayapa na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak na babae na sina Aika, Tricia, at Jillian.
Oktubre 7 noong nakaraang taon nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.
Samantala, nag-trending din ang unang pag-host ni Ogie Diaz ng grand rally ng mga 'Kakampink' sa Iloilo kamakailan. Naging kontrobersyal ang mga nasabi ni Ogie at isa na rito ay ang nabanggit niyang wala umano silang tinanggap na bayad para sa naturang kaganapan na dinaluhan ng libo-libong katao noong Pebrero 25.
Patuloy umanong dumarami ang mga celebrities at musician na patuloy na sumusuporta at boluntaryong nakikiisa sa kampanya ni Leni Robredo sa pagka-presidente ng bansa.
Isa sa bagong dagdag ay ang bandang Ben&Ben na unang mapapanood sa People's Rally ng mga Kakampink sa Pasig City sa Marso 20.
Source: KAMI.com.gh