Sara Duterte sa umano'y 'di pagdalo sa mga debate; "As of the moment, there is no comment"
- "No comment" umano si Vice Presidential candidate Sara Duterte nang tanungin siya sa hindi nila pagdalo ng running mate na si Bongbong Marcos ng mga debate
- Aniya, may personal siyang dahilan na sa ngayon ay hindi niya maisapubliko
- Patuloy pa rin na napag-uusapan ng kanilang team ang nagiging isyu umano na ito na hindi nila pagsipot sa mga debate
- Magkakaroon umano sila ng opisyal na pahayag na ilalabas kaugnay dito
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi muna nakapagbigay ng rason si Mayor Sara Duterte kung bakit hindi sila nakadadalo ng kanyang running mate na si Bongbong Marcos ng mga imbitasyon sa kanila na makaharap ang kapwa nila tumatakbong presidente at bise presidente ng bansa para sa ilang debate.
Nalaman ng KAMI na sa isinagawang presscon noong Pebrero 28, isa sa mga naitanong sa vice presidential candidate ay ang 'di nila pagsipot ni Marcos sa mga debate ng iba't ibang programa at grupo.
"With regards to the debate and debate questions, it is a continuing discussion sa team namin and we will come up with a statement. In the meantime, there is no comment," paliwanag ni Mayor Sara.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Dagdag pa sa katanungan ay kung bakit kinailangan pa umanong pag-usapan ng grupo ang hindi nila basta pagdalo ng mga debate.
"It is something personal and I do not want to say it publicly," dagdag pa ni 'Inday Sara' at binigyang diin pa rin ang umano'y diskusyon ng kanilang grupo ukol dito at ang paglalabas na lamang ng opisyal na pahayag ukol dito.
Narito ang kabuuan ng naganap sa press conference:
Si Sara Duterte-Carpio ay ang kasalukuyang alkalde ng Davao City. Siya ay anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Matatandaang noong Oktubre 2, ng nakaraang taon 2021, sa ganap na 4:15 ng hapon ay nagtungo ang kasalukuyang alkalde ng Davao City sa Comelec ng kanilang lugar upang pormal na magsumite ng kanyang certificate of candidacy sa parehong posisyon.
Subalit noong Nobyembre 9, kasabay ni Mayor Sara na nag-withdraw ng kanilang kandidatura ang bunsong kapatid na si Baste Duterte na siyang tatakbo bilang alkalde ng kanilang lungsod.
Nobyembre 11 ng 2021, matapos dumalo sa kasalan ng anak ni Senator Bong Revilla, na dinaluhan din ni dating senador Bongbong Marcos, nanumpa na bilang kasapi ng Lakas-CMD si Inday Sara.
Dalawang araw matapos ang kaganapang ito, pormal nang naghain ng kanyang kandidatura sa pagkabise-presidente si Mayor Sara na halos kasabay naman ng resolusyong inilabas ng partido ni Marcos na Partido Federal ng Pilipinas patungkol sa pag-ampon at pag-endorso nila sa kasalukuyang alkalde ng Davao City. Siya na ngayon ang running-mate ni Presidential candidate Bongbong Marcos sa kanilang UniTeam.
Source: KAMI.com.gh