El Shaddai leader Bro. Mike Velarde, inanunsyo na ang pag-endorso sa BBM-Sara tandem
- Dumalo ng pagtitipon ng EL Shaddai sina Presidential aspirant Bongbong Marcos at Vice presidential candidate na si Mayor Sara Duterte-Carpio
- Ito na rin umano ang naging hudyat ng pag-endorso ng nasabing grupo sa UniTeam nina BBM at Mayor Sarah
- Ilang larawan at video na ang kumakalat online kung saan makikitang itinataas ni Bro. Mike Velarde ang kamay nina BBM at Mayor Sara
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Pormal nang inanunsyo ni Bro. Mike Velarde, ang lider ng religious group na El Shaddai ang pag-endorso niya kay presidential candidate na si Bongbong Marcos at ang ka-tandem nito na tumatakbo sa pagka-bise presidente na si Mayor Sara Duterte-Carpio.
Nalaman ng KAMI na dumalo ang dalawa kasama ang kanilang 'UniTeam' sa pagtitipon ng El Shaddai ngayong Pebrero 12.
Mabilis na kumalat ang mga larawan ay video kung saan makikitang itinataas ni Bro. Mike ang kamay nina BBM at Mayor Sara.
"Ang inyong suporta sa aking kandidatura pagka-bise presidente ng Pilipinas ay isang malaking tulong sa aking pangarap at mga gustong isulong kapag ako ay nahalal, kasama ang ating presidential candidate, si Apo Bongbong Marcos," ayon kay Mayor Sara base sa ulat ng One News.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matatandaan na noong 2016, nakuha rin ng noo'y tumatakbong bise presidente na si BBM ang suporta ng grupong pinamumunuan ni Velarde.
Narito ang maiksing video na kuha sa nasabing pagtitipon na naibahagi rin ng Daily Tribune:
Si Ferdinand "Bongbong" Romualdez Marcos Jr. o kilala rin sa kanyang initials na BBM ay isang Filipino politician na nagserbisyo sa bansa bilang senador mula 2010 hanggang 2016. Siya ang pangalawang anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at dating First Lady Imelda Romualdez Marcos.
Pebrero 8 nang ganapin ang proclamation rally ng UniTeam nina BBM at Mayor Sara Duterte sa Philippine Arena.
Naging kontrobersyal ang nasabing pagtitipon dahil na rin umano sa host nito na si Toni Gonzaga. Ipinakilala rin kasi nito ang senatorial candidate na si Rodante Marcoleta na isa umano sa nagdiing hindi na mabigyan muli ng prangkisa ang ABS-CBN.
Isang araw matapos ang proclamation rally, naglabas ng pahayag si Gonzaga ng pagbibitiw niya bilang main host ng Pinoy Big Brother na naging programa niya sa loob ng 16 na taon.
Source: KAMI.com.gh