Leni Robredo, nag-live para pasalamatan ang mga nagbigay ng regalo

Leni Robredo, nag-live para pasalamatan ang mga nagbigay ng regalo

- Nag-Facebook Live si Vice President Leni Robredo upang pasalamatan ang mga nagbigay sa kanya ng regalo

- Ito ay mula sa kanyang mga supporters sa mga lugar na nabisita na nila

- Kapansin-pansin ang mga kagamitang kulay pink na tanda ng kanilang pagsuporta sa kandidatura ni Robredo sa pagka-pangulo

- Ipinaliwanag din niya kung bakit naka-blue siya sa oras na iyon na 'laba day' din nila at naubusan na siya ng mga damit na kulay pink

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nag-Facebook live si Vice President Leni Robredo upang taos-pusong pasalamatan ang mga supporters na nagpadala at nag-abot ng mga regalo sa kanya.

Nalaman ng KAMI na lahat ng mga bigay sa bise presidente ay nasa kanyang opisina na nabalot na lalo ng kulay pink dahil sa mga regalo.

Leni Robredo, naka-blue na nag-live para pasalamatan ang mga nagbigay ng regalo
Leni Robredo, naka-blue na nag-live para pasalamatan ang mga nagbigay ng regalo (VP Leni Robredo)
Source: Facebook

Bago pa man siya nagsimula, ipinaliwanag naman niya agad kung bakit siya naka-blue sa oras na iyon.

Read also

Ion Perez, ipinakita ang pwesto sa palengke kung saan siya naglalako noon ng manok

"Sorry naka-blue ako ngayon kasi first day ko na nakabalik galing sa probinsya. Naubos 'yung aking pink kaya laba day ngayon," paliwanag ng presidential aspirant.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mula sa mga pagkain, pamaypay, payong at mga artworks, ipinakita ni VP Leni ang mga iniaabot o ipinadadala sa kanya ng mga tagasuporta sa mga napuntahan na nilang probinsya o lungsod.

"'Yung lahat ng mga binibigay niyo 'pag pumupunta kami sa mga probinsya, tinatago namin dito, 'di pa ayos... Kasi gusto kong magpasalamat sa lahat ng mga binibigay ninyo habang nagmo-motorcade, habang naga-assembly," aniya.
"Sabi ko, baliktad na ngayon. Dati 'yung kandidato ang nagbibigay sa mga supporters, ngayon supporters ang nagbibigay sa kandidato," dagdag pa niya.

Pinasalamatan niya ang mga nagbigay ng damit, artworks, religous items at iba pa na itatago niya ang ilan habang ipamimigay din naman ang iba lalo na iyong marami pa upang makatulong sa mga nangangailangan nito.

Read also

73-anyos na call center agent, nagtrabaho para maibsan ang lungkot sa pumanaw na misis

Narito ang kabuuan ng kanyang video mula mismo sa kanyang Facebook page na VP Leni Robredo:

Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay misis ng namayapa na na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak.

Oktubre 7 nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon sa Mayo ngayong 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Kamakailan, pinasalamatan din ni VP Leni ang lahat ng mga dumalo sa Pink Sunday Rally para sa kanya na ginanap sa Quezon City Memorial Circle isang araw bago ang Araw ng mga Puso.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel