VP Leni sa nabitiwang pahayag na 'sinungaling' umano si BBM; "'Yung tanong, sinagot ko"

VP Leni sa nabitiwang pahayag na 'sinungaling' umano si BBM; "'Yung tanong, sinagot ko"

- Sinabi ni Vice President Leni Robredo na sinagot lamang niya ang tanong ni Boy Abunda

- Ito ay kaugnay sa 'political fast talk' kung saan natanong siya kung bakit hindi dapat iboto si presidential candidate Bongbong Marcos

- Sinagot niya kasi na ito ay 'Sinungaling' na inalmahan lalo na ng supporters ni BBM

- Sinundan pa niya ito na hindi rin daw kasi ito nakikita sa oras ng kagipitan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos ang naging pahayag ni Vice President Leni Robredo sa kapwa niya presidential aspirant na si Bongbong Marcos, inulan ito ng kontrobersiya.

Nalamang ng KAMI na sinagot lamang daw ni Robredo ang tanong sa kanya ni Boy Abunda sa The 2022 Presidential One-On-One Interviews sa kanya na naisa-ere noong Miyerkules, Enero 26.

Matatandaang sa bahaging political fast talk ni Abunda, unang naitanong kay VP Leni kung bakit hindi dapat umano iboto Marcos.

Read also

Mayor Isko, sinagot bakit 'di dapat iboto sina Robredo at Marcos; "Maghihiganti"

VP Leni sa nabitiwang pahayag na 'sinungaling' umano si BBM; "'Yung tanong, sinagot ko"
Vice President Maria Leonor Gerona Robredo (Photo from VP Leni Robredo)
Source: Facebook

"Number 1, sinungaling. Pangalawa, in the difficult moments, hindi siya nagpapakita," ang naisagot ng bise presidente.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ulat ng ABS-CBN kung saan nakapanayam nila si Robredo na nasa probinsya ng Rizal, sinabi nitong iyon sa palagay niya ang dapat niyang isagot.

"Ayoko nang dagdagan pa 'yong conversation. Alam ko na may mga maru-ruffle ako na feathers pero tinatanong kasi ako e. Ayaw ko naman na sumagot na parang umiiwas. Sa akin lang 'yung tanong, sinagot ko," paliwanag ni Robredo.

"In my honest opinion, iyon talaga 'yung palagay ko na kailangan kong isagot. Ready naman ako. Ready ako pero para mag-react pa sa mga reaction nila tingin ko, hindi naman necessary na," dagdag pa niya.

Narito ang kabuuan ng naging panayam sa kanya ni Boy Abunda:

Read also

Ping Lacson sa komento sa kanya ni Leni Robredo; "Hindi lang talaga ako ma-epal"

Si Leni Robredo ay ang kasalukuyang Bise Presidente ng Pilipinas. Siya ay misis ng namayapa na na si Jesse Robredo at nabiyayaan sila ng tatlong anak.

Oktubre 7 nang inanunsyo ni Robredo ang kanyang pagtakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na Eleksyon 2022. Si Senator Kiko Pangilinan naman ang kanyang running mate na tatakbo bilang bise presidente.

Ilan sa mga makakatunggali niya at mahigpit niyang makakatunggali sa pagka-pangulo ay ang apat na nakapanayam ni Jessica Soho sa 'Presidential Interviews' noong Enero 22.

Samantala, naging kontrobersyal naman ang naturang interview na ito ni Soho gayung hindi ito pinaunlakan ng isa sa kanyang naimbita na si dating senator Bongbong Marcos.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica