Bongbong Marcos, sinabing birthday party ang dahilan ng pagkikita nila ni Sara Duterte sa Cebu
- Mismong si dating Senator Bongbong Marcos ang naglahad ng totoong dahilan ng pagkikita umano nila ni Mayor Sara Duterte
- Dumalo umano sila ng birthday party ni Congresswoman Yedda Romualdez
- Kaya naman nang sila ay magkita, doon na raw nagsimula ang kwentuhan at spekulasyon
- Mayroon pang munting handog sa kanya si Mayor Sara mula sa Davao kaya naman paghahandaan daw ni Marcos ang muli nilang pagkikita at magdadala rin ng mga produkto mula naman sa Norte
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Inilahad ni Dating Senator at Presidential candidate na si Bongbong Marcos (BBM) ang mga kaganapan sa kanilang pagkikita ni Mayor Sara Duterte sa Cebu kamakailan.
Nalaman ng KAMI na sa kanya mismong YouTube channel, ipinakita ni Marcos ang mga binisita at dinaluhan niya sa kanyang pagdalaw sa Cebu.
"Sari-sari man ang spekulasyon at mapaglarong kuro-kuro sa ating pagpunta sa Cebu, isa lang ang natitiyak ko – sisiguruhin kong bumalik agad dahil sa lagi niyong mainit na pagtanggap!"
Una niyang ipinakita ang pagbisita niya sa headquarters nila roon na mismong ang mga supporters niya ang bumuo.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nagkaroon din ng kauna-uanhang BBM cup doon kung saan tampok ang shooting activity na hilig pala ng dating senador.
Ipinakita rin niya ang pagbisita kay Governor Gwen Garcia ng Probinsya ng Cebu na mainit din umano siyang tinanggap.
Isa rin sa kanyang mga dinaluhan ay ang kaarawan ng kanyang pinsan na si Congresswoman Yedda Romualdez kung saan bisita rin si Davao City Mayor Sara Duterte.
"'Dun na rin kami nagkita ni Mayor Inday Sara. Doon na nagsimula ang kwentuhan at spekulasyon," pahayag ni Bongbong.
"Hindi ko naman siguro sasabihin na wala kaming pinag-usapang pulitika, pero ang talagang sadya namin ay makipag-celebrate kay Congresswoman Yedda."
Marami rin ang nag-usisa sa inabot ni Mayor Sara kay BBM. Sinabi niyang puro ito produkto ng Davao kaya naman sisiguraduhin niyang sa susunod nilang pagkikita, bibigyan din niya ito ng mga produktong mula sa Ilocos Norte.
Sa kabuuan, naging masaya umano ang pagbisita ni BBM sa Cebu at nagpapasalamat siya sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Cebuano.
Kamakailan ay nag-trending ang interview ni Toni Gonzaga kay Bongbong Marcos na inulan ng spekulasyon ay di umano'y pambabatikos.
Dahil dito, agad ding naglabas ng pahayag ni BBM bilang pagtatanggol sa host. Sinabi nitong vlogger si Toni at hindi journalist. Pinuri pa niya ito na tila mas mahusay pa raw sa mga totoong journalist.
Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.
Source: KAMI.com.gh