Pokwang: "Lord, kailan nyo po tutuparin ang wish ni Kara David?”
- Nagbigay ng matinding reaksyon si Pokwang sa pahayag ni Sen. Bam Aquino tungkol sa substandard projects ng gobyerno
- Pinunto ng comedienne na ang mga anak ng mga magnanakaw ay nag-aaral sa abroad habang mga batang Pilipino ang nanganganib
- Tinukoy niya na delikado ang mga silid-aralan sa public schools lalo na kapag may sakuna
- Inalala rin niya ang birthday wish ni Kara David laban sa mga kurakot sa bansa
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Hindi napigilan ng Kapuso comedienne at TV host na si Pokwang ang magbigay ng matinding reaksiyon matapos mapanood ang video post ni Sen. Bam Aquino tungkol sa mga substandard projects ng gobyerno.

Source: Instagram
Sa nasabing clip mula sa Senate Blue Ribbon Committee hearing noong Setyembre 23, tinanong ni Aquino ang dating DPWH District Engineer Brice Hernandez kung maging ibang proyekto ng gobyerno ay substandard din.
Sa video, kinumpirma ni Hernandez na hindi lang flood control projects ang substandard, kundi pati na rin ang mga silid-aralan, ospital, tulay, at kalsada. Mismong si Aquino ay nagkomento ng, “Pati mga estudyante ay pinagnakawan. Hindi lang sa flood control projects, maging mga silid-aralan, pinagkakitaan.”
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Kasunod nito, bumuhos ang reaksiyon ng netizens at personalidad kabilang na si Pokwang. Hindi niya napigilan ang pagkadismaya at pangamba para sa kaligtasan ng mga batang Pilipino, lalo na ang nag-aaral sa pampublikong paaralan.
Ani Pokwang, “habang ang mga anak ng mga magnanakaw ay nasa magandang school sa ibang bansa, ang mga kabataan na mahihirap sa bansa ay delikadong matabunan pa kapag gumuho sa sakuna dahil nga substandard ang pagkakagawa ng karamihan sa pang publikong paaralan????”
Dagdag pa niya, ipinagdasal na lamang niya ang katuparan ng matinding hiling ni Kapuso journalist Kara David. “woohooo LORD!!!! kailan nyo po tutuparin ang wish ni miss Kara David?????” ani Pokwang.
Ang tinutukoy ng komedyana ay ang naging viral na birthday wish ni Kara David sa kanyang 52nd birthday celebration. Sa video na ibinahagi online, makikita siyang hinihipan ang kandila sa kanyang cake matapos magbitiw ng hiling na ikinagulat ng marami.
Ani Kara, “Wish… sana mamatay lahat ng kurakot sa Pilipinas!” sabay hipan ng kandila. Kasunod nito, natawa ang mga kasamahan niya sa kainan habang inilapag niya ang cake.
Umani ito ng iba’t ibang komento mula sa netizens na nagsabing sana ay matupad ang birthday wish ni Kara kahit hindi matupad ang kanila. Sa pahayag ni Pokwang, makikita ang pagkakaugnay ng kanyang hinanaing sa panawagan ni Kara laban sa katiwalian.
Si Marietta Subong o mas kilala bilang Pokwang ay isa sa pinakakilalang komedyante at TV host sa bansa. Bukod sa kanyang husay sa pagpapatawa, kilala rin siya bilang outspoken sa mga isyung panlipunan. Madalas niyang gamitin ang social media para magbigay ng opinyon, lalo na kung ito ay tungkol sa mga kabataan at mga isyung nakakaapekto sa ordinaryong Pilipino.
Kamakailan lang, naging usap-usapan ang dahilan kung bakit hindi dumalo si Pokwang sa GMA Gala 2024. Sa ulat ng Kami.com.ph, ipinaliwanag ng komedyana na kaya hindi siya nakapunta ay dahil siya mismo ang nagdesisyong hindi umatend. Ani Pokwang, mas pinili niyang maglaan ng oras sa kanyang pamilya at trabaho.
Samantala, nagbigay rin siya ng matapang na pahayag laban sa mga bashers ni Vice Ganda. Sa report ng Kami.com.ph, nilinaw ni Pokwang na hindi ang kanyang ina ang nagsulat ng isang script na naging isyu online. Pinanindigan niyang walang kinalaman ang kanyang pamilya at siya mismo ang may alam sa mga detalye.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh