“Hindi naman si nanay ang nagsulat ng script” – Pokwang sa bashers ni Vice Ganda
- Ipinagtanggol ni Pokwang si Vice Ganda matapos ang pambabatikos sa kanya dahil sa biro tungkol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte
- Ayon sa kanya, hindi dapat idamay sa isyu ang ina ni Vice dahil wala itong kinalaman sa nasabing joke
- Iginiit ng komedyante na si Nanay Rosario ay hindi artista o politiko at hindi rin siya ang sumulat ng script o nag-utos ng biro
- Sinagot din ni Pokwang ang netizen na nagpaalala na minsang tinrato ni PRRD nang mabuti si Vice, at sinabing tiyak na hindi niya iyon nakakalimutan
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Sa gitna ng kaliwa’t kanang pambabatikos na natanggap ni Vice Ganda dahil sa biro niya tungkol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, umapela ang Kapuso comedienne na si Pokwang na huwag idamay sa isyu ang ina ng Unkabogable Star.

Source: Instagram
Nag-ugat ang kontrobersiya nang magbiro si Vice sa kanyang concert tungkol sa isang “trip to the Hague via ICC,” na malinaw na patama sa kasalukuyang sitwasyon ni PRRD. Dahil dito, umani siya ng matinding reaksyon mula sa Diehard Duterte Supporters (DDS). May isang tagasuporta pa ng dating pangulo na nanawagan sa pamahalaan ng Davao City na ideklara si Vice bilang persona non grata.
Hindi rin nagpahuli si Atty. Harry Roque, isa sa mga kaalyado ni Duterte, na nagpahayag ng dismay sa ginawa ni Vice. Giit niya, hindi nararapat na pagtawanan ang isang taong aniya’y “nasa sahig na” at dumaranas ng kahirapan.
Sa kabila ng mga batikos, nanatiling matatag ang suporta ng mga fans ni Vice. Gayunpaman, may ilang netizens na napansin na nabawasan umano ang kanyang Facebook followers.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa isang post sa X (dating Twitter), ipinahayag ni Pokwang ang kanyang panig. “Wag naman po tayong ganyan! Kung may na offend man sa joke ni Vice e wag naman po idamay ang nanay kasi hindi naman artista o politiko ang kanyang ina,” aniya. Idinagdag pa niya na bilang mga public figure, sanay na sila sa bashing, pero dapat ilayo sa gulo si Nanay Rosario.
Isang netizen ang nagkomento na minsan nang tinrato ni PRRD nang mabuti si Vice, kabilang ang pagbati sa kanya noong kaarawan nito. Agad itong sinagot ni Pokwang, “Sigurado akong hindi nakakalimutan ni Vice ‘yan, pero hindi naman si Nanay Rosario ang nagsulat ng script ni meme o nag-utos sa kanya na ganoon ang i-joke niya!”
Sa paninindigan ni Pokwang, malinaw na ang kanyang pangunahing punto ay ang respeto sa mga taong walang kinalaman sa isang isyu, lalo na sa gitna ng maiinit na diskusyon sa politika at showbiz.
Si Marietta Subong, mas kilala bilang Pokwang, ay isang batikang komedyante, aktres, at TV host. Kilala siya sa kanyang pagiging palabiro sa harap ng kamera at pagiging prangka sa social media. Isa rin siya sa mga artistang hindi natatakot magsalita sa mga isyu, lalo na kapag may kinalaman sa mga taong malapit sa kanya.
Si Jose Marie Borja Viceral, kilala bilang Vice Ganda, ay isang sikat na komedyante, TV host, aktor, at recording artist. Isa siya sa pinakamatagumpay na personalidad sa industriya ng entertainment sa Pilipinas, ngunit madalas ding nasasangkot sa kontrobersiya dahil sa kanyang mga matapang na pahayag at biro.
Naging emosyonal si Pokwang matapos mapanood ang pelikula ni Zanjoe Marudo. Ayon sa kanya, malalim ang tama sa kanya ng istorya at pagganap ni Zanjoe. Ibinahagi niya ito sa kanyang social media, kung saan maraming followers ang naka-relate sa kanyang reaksyon.
Nilinaw ni Pokwang ang dahilan kung bakit hindi siya dumalo sa GMA Gala. Ayon sa kanya, mas pinili niyang manatili sa bahay kasama ang pamilya sa halip na umattend ng engrandeng event. Marami namang netizens ang nagpahayag ng suporta sa kanyang desisyon.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh