Pokwang, napaiyak nang mapanood ang pelikula ni Zanjoe Marudo: "Ang lala"
- Si Pokwang ay hindi napigilan umiyak matapos mapanood ang pelikula ni Zanjoe Marudo
- Sa Instagram, inilahad ni Pokwang kung gaano siya napaiyak at naapektuhan ng pelikula
- Aniya Mamang, malala raw talaga dahil ang dami raw niyang iniyak sa kwento na ito
- Bukod pa rito ay hinikayat din ni Mamang Pokie ang ibang mga tao na panoorin ang movie
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Pokwang, kilalang aktres at komedyante, ay hindi napigilang maiyak matapos mapanood ang pelikulang How To Get Away From My Toxic Family na pinagbibidahan ni Zanjoe Marudo at sa direksyon ni Lawrence Fajardo. Sa kanyang Instagram na @itspokwang27, nagbahagi siya ng video kung saan ikinuwento niya kung paano siya labis na naiyak at naapektuhan ng pelikula.

Source: Instagram
Sa caption ng kanyang post, hinimok ni Pokwang ang publiko na suportahan ang pelikula. Aniya, "Jusko, panoorin niyo, showing na today ang 'How To Get Away From My Toxic Family.' Ang lala, dami kong iyak!" Ibinahagi rin niya kung gaano kahalaga ang pelikula para sa mga Pilipinong nasa ibang bansa, lalo na ang mga OFWs. "Ito na nga, jusko, nakakaiyak ang pelikulang ito. Dapat talagang panoorin, lalong lalo na yung ating mga OFWs around the world," ani Pokwang.
Hindi rin nakaligtas sa kanyang papuri ang aktor na si Zanjoe Marudo. Ayon kay Pokwang, "How To Get Away From My Toxic Family, napakahusay ni Zanjoe Marudo. Grabe, sobrang nakaka-relate ako bilang OFW, may mga eksena dun na dudurog sa puso mo bilang Pilipino, bilang OFW, bilang pamilya. Dapat magdala kayo ng tissue, jusko." Marami ang naka-relate at naantig sa kanyang post, lalo na't matagal ding naging OFW si Pokwang bago pumasok sa showbiz.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Sa huli, binati rin ni Pokwang sina Zanjoe Marudo at Ogie Diaz, na kabilang sa mga personalidad sa likod ng pelikula. Ang kanyang mensahe ng papuri at emosyon ay lalong nagbigay interes sa mga netizens na panoorin ang pelikula, na ayon sa kanya ay hindi lang basta pelikula kundi isang susing salamin sa buhay ng maraming Pilipinong pamilya, lalo na sa mga OFWs sa mundo.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Pokwang ay isang kilalang komedyante, aktres, at TV host sa Pilipinas. Bago pumasok sa showbiz, nagtrabaho siya bilang OFW sa Japan, at naging domestic helper sa Abu Dhabi — mga karanasang humubog sa kanyang matatag na personalidad. Nakilala siya nang sumali sa ABS-CBN reality talent show segment na Clown in a Million noong 2004 at itinanghal na grand champion, na naging tulay sa kanyang pagpasok sa mga sitcom. Sa kasalukuyan, si Pokwang ay isa ng talent ng Kapuso Network, matapos siyang lumipat noong June 2021 sa GMA-7.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay muling pinahanga ni Pokwang ang publiko sa social media. Kamakailan lang ay ibinunyag ni Mamang Pokie ang pamamalengke ni Manang Gina. Ngunit bago ito namalengke, pinaalalahanan ng aktres si Manang Gina tungkol sa 'tawad.' Dahil dito ay maraming netizens ang pumuri kay Pokwang at sa kabutihan niya.
Samantalang nag-viral sa social media si Pokwang dahil sa kanyang mga recent post sa social media. Kamakailan ay sinagot ni Mamang Pokie ang ilang posts ng netizens sa X. Patungkol ito kay Fyang Smith na pinayuhan niya nito lamang na maging humble. Dahil sa diskusyon ay may ibinunyag si Mamang tungkol sa ibang fans umano ni Fyang.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh