VP Sara Duterte, may panawagang makikita sa bago niyang profile picture

VP Sara Duterte, may panawagang makikita sa bago niyang profile picture

- Nagpalit ng profile picture si Bise Presidente Sara Duterte

- Kapansin-pansin ang mensaheng makikita na may kaugnayan sa sitwasyon ng kanyang ama na si Dating Pangulo Rodrigo Duterte

- Bumibyahe na si VP Sara patungo sa The Hague sa Netherlands upang sundan ang ama

- Nito lamang Marso 11, inaresto si Dating pangulong Duterte dahil sa mga paratang ng crimes against humanity kaugnay ng kanyang ipinatupad na war on dr*gs noong siya ay nanunungkulan pa

Marami ang nakapansing nagpalit ng profile picture si Bise Presidente Sara Duterte ngayong Marso 12.

VP Sara Duterte, may panawagang makikita sa bago niyang profile picture
VP Sara Duterte, may panawagang makikita sa bago niyang profile picture
Source: Facebook

Ito ay isang araw matapos na umano'y arestuhin ang kanyang ama na si Dating Pangulo Rodrigo Duterte.

Sa kanyang Facebook account na Inday Sara Duterte, makikita ang pulang laso na may mga katagang "Bring PRRD home".

Mapapansin din ang kamao na naging simbolo ng pgsuporta noon sa dating pangulo.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Habang sinusulat ang artikulong ito, ibinabyahe si dating Pangulo Duterte patungo sa The Hague sa Netherlands.

Read also

Sen. Bong Go, ibinahagi ang video ng pananghalian ni FPRRD sa loob ng eroplano

Samantala, maging ang kanyang anak na si Bise Presidente Sara ay kasalukuyan na ring bumibyahe upang sumunod sa ama.

Ang 79-taong-gulang na dating presidente ay inaresto sa kanyang pagdating mula Hong Kong, kung saan siya nanatili.

Kasama sa mga isinampang kaso laban kay Duterte ang mga paratang ng crimes against humanity kaugnay ng kanyang ipinatupad na war on dr*gs noong siya ay nanunungkulan pa bilang presidente ng Pilipinas taong 2016-2022.

Patungo umano si Duterte sa The Hague sa Netherlands, sakay ng isang private chartered plane, kung saan sinasabing matatagpuan ang punong tanggapan ng ICC.

Nahaharap umano siya sa mga kasong maaaring magdulot ng malalaking legal na epekto habang isinasagawa ng international court ang imbestigasyon sa mga umano'y paglabag sa karapatang pantao na nangyari sa kanyang administrasyon.

Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte ay ang ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas na nanungkulan mula Hunyo 30, 2016 hanggang Hunyo 30, 2022. Bago siya maging pangulo, nagsilbi siya bilang alkalde ng Davao City sa loob ng mahigit 22 taon, kung saan siya nakilala dahil sa kanyang kampanya laban sa krimen at iligal na droga.

Read also

Arnold Clavio, ibinahagi ang loob ng detention facility na titirhan ni FPRRD sa The Hague

Ang kanyang anak na si Sara Duterte ang kasalukuyang pangalawang Pangulo ng Pilipinas. Minsan na rin siyang naging Kalihim ng Kagawaran ng edukasyon subalit hindi nagtagal ay pinalitan na rin siya ng kasalukuyang kahilim na si Senator Sonny Angara.

Samantala, isa rin sa mga anak ng dating pangulo na si Kitty Duterte ay naglabas ng pagsuporta sa pinagdaraanan ng kanilang ama sa ngayon. Bukod sa pagbibigay ng updates ukol sa kalagayan umano ngayon ni dating Pangulong Duterte, naglabas din ng emosyonal na post si Kitty kung saan sinabi nito kung gaano siya ka-proud sa pagiging isang 'Duterte.' Hayagan din nitong nasabi kung gaano niya kamahal ang kanyang ama.

Sa kabila ng mabigat na paratang, ang mensahe ni Kitty ay nagpapakita ng matinding pagmamahal at suporta para sa kanyang ama. Ang kanyang mga salita ay umabot sa puso ng mga tagasuporta ng pamilya Duterte na patuloy na ipinaglalaban ang dating pangulo laban sa mga akusasyon ng ICC.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Tags: