EXpecially for you, muling pinag-usapan sa hayagang sinabi ng ina ng searcher sa ex nito

EXpecially for you, muling pinag-usapan sa hayagang sinabi ng ina ng searcher sa ex nito

- Muling naging usap-usapan umano ang "It's Showtime" segment na 'EXpecially for you'

- Ito ay dahil sa hayagang nasabi ng ina ng searcher na ex-boyfriend ng anak

- Ipinaliwanag din ng ina na kung sana'y kinausap siya ng ex ng anak, maaring naisalba pa nito ang kanilang relasyon

- Umani ng iba't ibang reaksyon ang naturang mga pahayag, na ang iba ay sumang-ayon sa ina habang ang iba nama'y nakaramdam umano ng awa sa ex-boyfriend ng anak

Viral ngayon ang It's Showtime segment na 'EXpecially for you' dahil sa naging pahayag umano ng ina ng searcher na si Krizzy sa ex-boyfriend nitong si Jywhon.

EXpecially for you, muling pinag-usapan sa hayagang sinabi ng ina ng searcher sa ex nito
EXpecially for you, muling pinag-usapan sa hayagang sinabi ng ina ng searcher sa ex nito (It's Showtime/ ABS-CBN Entertainment)
Source: Youtube

Doon, binalikan nina Krizzy at Jywhon ang naging dahilan bakit nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Isang malaking bahagi ng rason nito ay ang ina ni Krizzy na noon pa ma'y tutol na kay Jywhon.

Read also

Kim Chiu, nausisa ni Bela kung ano ang trabaho kung hindi siya artista

Nagkataong naroon din sa studio, kasama ni Krizzy ang kanyang ina na siya mismong nagpaliwanag bakit nga ba ayaw niya kay Jywhon para sa anak.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Para sa akin, as a parent, para kasing tinest ko [Jywhon] eh. Pero hanggang doon lang talaga 'yung kaya niya," paliwanag ng ina ni Krizzy.

Dagdag pa niya, nag-OFW siya para mas maibigay ang mga pangangailangan ng anak at masiguro ang maayos na buhay para rito. Kaya naman tila nagulat siya sa umano'y estado ng karelasyon nito.

"Buong buhay ko, 'yung anak ko 'yung priority ko. Nagulat lang ako kasi siyempre, parang siya lang? Sasayaw-sayaw? Hindi ko nakikita sa kanya yung gusto ko para sa anak ko."

Aniya, mas napatunayan niya na tama ang kanyang kutob nang hindi raw manlang nagpaliwanag ang dating nobyo ng anak o nagkaroon ng inisyatibo na siya'y kausapin para siya makumbinsi.

Read also

Interview noon kay Trina kung saan nabanggit ang pagpapakasal ni Carlo, binalikan ng netizens

"Tapos, [nagbunganga] lang ako sa kanya, tapos parang iniwan niya lang na wala rin 'yung anak ko. Isang ganun lang pala sa'yo, bubungangaan ka, tapos na di ba? Kaya sabi ko, tama lang 'yung desisyon ko na ganun ang ginawa ko sa kanya. Pero kung siguro, kung nag-reach out siya sa akin, okay sana eh. Magko-continue 'yung paningin ko sa kanya na hindi pala siya ganun."

Dahil dito, umani ng iba't ibang reaksyon ang publiko na ang iba'y nauunawaan ang pinanggagalingan ng pahayag ng ina habang ang iba ay nakaramdam 'di umano ng awa sa dating nobyo ng searcher.

Gayunpaman, nilinaw ng ina na ayos na sila ng ex ng anak lalo na at tapos naman na ang relasyon ng mga ito.

Narito ang kabuuan ng naturang segment mula sa ABS-CBN Entertainment YouTube:

Ang Expecially For You ay isa sa mga inaabangang segment sa It's Showtime. Ang kakaiba sa portion na ito, may pagkakataong ang ex mismo ng searcher ang kasama niya upang tulungan siyang makahanap ng panibagong pag-ibig. Sa ibang pagkakataon, taong malalapit sa searcher ang kanilang nakakasama upang makilatis ang searchee na para sa kanila.

Read also

Vice Ganda sa EXpecially For You searchee na si Trisha: "Kaboses niya si Liza Soberano"

Tulad na lamang ng naganap sa espesyal na episode ng Expecially For You kung saan si Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee ang searcher, kasama ang kanyang inang Beauty Queen actress na si Melanie Marquez.

Doon, napili ni Michelle si Oliver Oliver Moeller. Makalipas ang isang linggo, nagbigay ng update ang It's Showtime sa naganap na date na dalawa. Puro papuri ang nasabi ni Oliver kay Michelle na nilarawan niya bilang isang "very intelligent" "very easy to talk to" at isa umanong "lovely person"

Naging bahagi rin ng naturang segment ng It's Showtime ang ex-fiancée ng yumaong singer na si Keith Martin na si Diana. Ibinida nito ang anak nila ng 'Because of You' singer na kasama rin niya sa studio nang araw na iyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel