10-anyos na dating nag-aararo, tuluyang nabago ang buhay matapos maitampok sa KMJS

10-anyos na dating nag-aararo, tuluyang nabago ang buhay matapos maitampok sa KMJS

- Muling kinumusta ng 'Kapuso Mo, Jessica Soho' ang sampung taong gulang na batang nag-aararo na naitampok nila noon sa kanilang programa

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Matapos kasing mapanood sa KMJS ang nakakadurog ng pusong kwento noon ni Reymark ay talagang dinagsa ito ng tulong

- Sa mahigit na anim na buwan, nakabili na sila ng sariling bahay, mga sasakyan, tatlong kabayo at sariling lupaing sinasaka

- Patuloy pa rin ang buwanang sustento ng mga sumusuporta ng pag-aaral ni Reymark kaya naman labis na nagpapasalamat ang bata

Wala na ang mga luha ng ngayo'y 11 taong gulang na batang si Reymark Mariano na naitampok noon sa "Kapuso Mo, Jessica Soho".

Matatandaang si Reymark ang sampung taong gulang mula sa Bagumbayan Sultan Kudarat na nagagawa nang mag-araro kasama ng kanyang kabayo na si "Rabanos."

Read also

Vice Ganda at kanyang family, masayang sinalubong ang 2022 sa Amanpulo

10-anyos na dating nag-aararo, tuluyang nabago ang buhay matapos maitampok sa KMJS
Ang batang si Reymark Mariano sa kanilang bagong bahay (Photo from Kapuso Mo, Jessica Soho)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Makalipas ang mahigit kalahating taon mula nang mapanood ang kanyang nakakadurog ng pusong kwento sa KMJS, puro ngiti na ang makikita sa mukha ni Reymarl.

Nang kumustahin siya ng programa, ipinakita niya ang kanilang nabiling tahanan. Mayroon na rin silang mga sasakyan, tatlong kabayo at sarili na rin nila ang lupaing sinasaka ng kanyang ama.

Lahat ito ay mula sa mga tulong na kanilang natanggap sa mga taong naantig ang puso sa kanyang kalagayan.

Labis niya itong ipinagpapasalamat kaya naman ang mga biyayang kanyang natatanggap ay patuloy niyang ibinabahagi sa mga kapitbahay nila sa kanilang lugar.

Ipinagmalaki rin ni Reymark na maayos naman ang kanyang pag-aaral at natuto na siya ng wikang Ingles.

Ito ay dahil sa naka-enrol siya sa online classes at mayroon siyang buwanang sustento mula sa mga sumusuporta naman sa kanyang pag-aaral.

Read also

Pokwang sa ilang kapatid: "Kung napapanood niyo ito, hindi ko kayo sinisisi ha"

Mapapanood ang kabuuan ng kanyang kwento sa Kapuso Mo, Jessica Soho Facebook page:

Isa ang programa ng batikang broadcast journalist sa Pilipinas na si Jessica Soho sa mga pinakaaabangan ng mga Pinoy tuwing sasapit ang araw ng linggo.

Bukod sa mga nakamamanghang mga kwento na kanyang naibabahagi, kapupulutan din ng aral ang mga ito kaya naman buong pamilya ang maaring manood ng kanyang programa.

Isa rin sa mga naitampok sa naturang programa ang buwis-buhay na pangunguha ng kawayan ng isang bulag na ginagawa niyang alkansya para mailako.

Tinutukan din ng marami ang kwento ng magsasakang nakatira sa bundok at nag-aararo ng walang kalabaw.

Isang vlogger ang nagpanggap na pulubi at humingi ng maiinom na tubig sa magsasaka ngunit higit pa sa tubig ang naibigay nito dahil sinamahan pa niya ito ng kanin at tuyo.

Dahil dito, naisipan naman ng vlogger na bukod sa tulong pinansyal, binigyan din niya ito ng kalabaw.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica