Pokwang sa ilang kapatid: "Kung napapanood niyo ito, hindi ko kayo sinisisi ha"

Pokwang sa ilang kapatid: "Kung napapanood niyo ito, hindi ko kayo sinisisi ha"

- Hindi napigilang maglabas ng saloobin ni Pokwang patungkol sa ilan niyang mga kapatid

- Aniya, nakatatanggap umano siya ng masasakit na salita tuwing hindi niya napagbibigyan ang hiling ng mga ito

- Nabanggit niyang natulungan naman na niya ang mga ito noon subalit hindi napayabong ang kung anoman ang kanyang naibigay

- Maging ang kanyang yumaong ina ay nagagawang magsinungaling sa kanya, mabigyan lamang ang ilang kapatid ni Pokwang na hindi na makadiretso sa kanya

- Gayunpaman, sinabi niyang hindi pa rin naman niya matitiis ang mga ito ngunit mas gugustuhin niyang idaan sa lambing ang paghingi ng tulong at hindi sa paraang nakasasama pa ng kanyang kalooban

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa ikalawang bahagi ng panayam ni Ogie Diaz kay Pokwang, inilahad nito ang kanyang saloobin sa mga kapatid.

Nalaman ng KAMI na aminado si Pokwang na may hindi sila pagkakaunawaan ng ilan sa mga kapatid niya lalo na iyong mga hindi na madalas napagbibigyan sa mga hinihiling nitong tulong.

Read also

Jelai Andres nang ma-depress dahil sa love life: "Nakapunta ako ng ospital na butas shorts ko!"

Pokwang sa ilang kapatid: "Kung napapanood niyo ito, hindi ko kayo sinisisi ha"
Pokwang (@itspokwang27)
Source: Instagram

Natatandaan pa raw kasi umano ni Pokwang kung paanong umiiyak ang kanyang inang namomroblema sa ilan niyang mga kapatid. Nagagawa pa raw nitong magsinungaling sa kanya may maiabot lamang sa mga kapatid niyang hindi na makadiretso sa kanya.

"Pag tini-text niyo siya (kanilang ina) at sinasabi niyo ang mga problema ninyo, kasi hindi niyo masabi sa akin ng direkta so dinadaan niyo sa matanda, nakikita ko 'yan umiiyak 'yan. Hanggang sa nagsisinungaling sa akin para lang may maibigay sa inyong pera," pahayag ni Pokwang tungkol sa ilan niyang kapatid.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Natanong naman siya ni Ogie D kung bakit hindi nakadiretso ang mga kapatid nito sa kanya.

"Dumating kasi ako sa punto mare na ano, enough... tama na, may pamilya na akong sarili. Kanya-kanya naman na tayo ng sikap. Tagal na e, ilan taon na kayong binigyan ng chance," paliwanag ni Pokwang.

Read also

Single mom na may Php 3,500 na puhunan, kumikita na ngayon ng Php 3 million

Natulungan naman niya umano ang mga kapatid na ito subalit hindi napalago ang puhunang naibigay niya.

"May nakikita naman kasi ako na ibang tao na bibigyan, pero nakikita mo lumago. Bakit kayo hindi niyo magawa e ilang beses na kayong nabigyan"

"Ang tao 'pag gusto talagang umasenso, isang beses mo lang bigyan ng pang-negosyo, palalaguin niya yan," ani Pokwang.

Gayunpaman, hindi pa rin niya matitiis ang mga kapatid na ito subalit pakiusap niyang huwag naman sanang pasumbat umano ang paglapit ng mga ito sa kanya. Mas gugustuhin pa rin niya na palambing at baka sakaling mapagbigyan niya muli ang mga ito.

Narito ang kabuuan ng panayam kay Pokwang mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Marietta Subong o mas kilala bilang si "Pokwang" ay isang Pinay na komedyante, TV host, singer at endorser. Ilan sa mga programa kung saan siya naging host ay Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey.

Sa unang bahagi ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz, naikwento nito kung paanong kinaawaan pa niya ang taong nanloko at tumakbo sa halagang Php58,000 niya na pambili ng gamit sa bago niyang negosyo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel