Mga sanggol na nagkapalit sa ospital, pinamaskuhan ng kanilang Ninang Jessica Soho
- Muling nagkita-kita ang pamilya Mulleno at Sifiata sa programa ni Jessica Soho
- Ito rin ang pagkakataong nakita muli ng host ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang kanyang mga inaanak na sina Kairo at Ayu
- At dahil hindi siya nakadalo noon sa binyag ng mga sanggol, bumawi ngayon sa regalo si Jessica at bongga ang kanyang mga Pamasko
- Hatid din niya ang magandang balita para sa pamilya ng dalawang sanggol
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Muling nagkasama-sama ang pamilya Mulleno at Sifiata sa Kapuso Mo, Jessica Soho kung saan nakilala ang kanilang mga anak dahil sa umano'y 'baby switching' na nangyari sa mga ito at naipalabas sa naturang programa.
Nalaman ng KAMI na ilang linggong sinubaybayan ng mga manonood ang kwento nina Baby Ayu at Kairo na nagkapalit umano sa ospital.
Mala-teleserye kasi ang kanilang kwento kung saan naiuwi pa sila ng hindi nila magulang na siyang nag-alaga sa kanila hangga't wala pa ang resulta ng isinagawang DNA test.
Malaki ang pasalamat nila sa programa dahil nakumpirma nila ang baby switching na nangyari at naibalik sa totoong mga magulang ang mga sanggol.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Dahil dito, kinuha pa nilang ninang si Jessica Soho subalit dahil kasagsagan pa noon ng COVID-19, minabuti niyang hindi muna dumalo.
Subalit ngayong magpapasko, nakasama muli ni Jessica ang kanyang mga inaanak na sina Kairo at Ayu.
Bukod sa mga bonggang pamasko niya sa mga ito, niregaluhan din ng kanyang programa ang mga magulang ng sanggol.
Sagot na nila ang reception ng kasalan ng mga magulang ni Kairo habang ang ina naman ni Ayu ay magkakaroon ng mga salon equipment upang mapalago ang kanyang pinagkakakitaan.
Labis ang pasasalamat nila sa mga biyayang natanggap nila sa programa at masaya rin naman ang kanilang kumare na si Jessica sa mga blessings na ito sa Mulleno at Sifiata family.
Enero 31 nang isa-ere ng KMJS ang kwento ng hinihinala pa noong napalitang sanggol sa ospital. Marami ang naalarma at nabahala sa kwentong ito sa pag-aakalang sa pelikula lamang o teleserye nangyayari ang ganitong sitwasyon.
Umabot sa part 5 ang episode na ito ng KMJS kaya naman marami ang natuwa at "happy ending" naman ang kinahinatnan ng dalawang sanggol sa dalawang pamilya.
Mayroon na ring YouTube channel ang parehong pamilya, Ang Sifiata Family Channel at Margareth Traballo-Mulleno.
Source: KAMI.com.gh