Ogie Diaz sa KathNiel: "Marami raw hawak na resibo si Kathryn"

Ogie Diaz sa KathNiel: "Marami raw hawak na resibo si Kathryn"

- Nabanggit ni Ogie Diaz na tila malabong magkabalikan sa ngayon ang KathNiel

- May mga nakarating umano sa kanya na marami raw hawak na 'resibo' si Kathryn

- Gayunpaman, hanga rin si Ogie Diaz kay Daniel Padilla sa pagiging tahimik nito matapos ang hiwalayan

- Matatandaang Nobyembre ng nakaraang taon nang kumpirmahin nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay

Muling napag-usapan nina Ogie Diaz, Mama Loi at tita Jegs sa Ogie Diaz Showbiz Update ang tungkol kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ogie Diaz sa KathNiel: "Marami raw hawak na resibo si Kathryn"
KathNiel (@supremo_dp)
Source: Instagram

Ito ay matapos na matalakay nila ang mga pinagkakaabalahan ni Kathryn mula nang maghiwalay sila ni Daniel.

Nabanggit din ni Ogie na tila malabong magkabalikan ang KathNiel sa ngayon.

"For now, malabo. Kasi nakarating sa akin... marami raw hawak na resibo si Kathryn"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Ogie D, sa umano'y relasyon nina Bea at Dominic: "'Wag nating pangunahan"

Gayunpaman, kahanga-hanga umano si Daniel Padilla na tila tahimik pa rin mula nang mangyari ang hiwalayan.

"Pero ako, hinahangaan ko si Daniel... 'Wa siya talk," ani Ogie.

Naiabahagi rin ni Ogie na maugong umano ang balitang magkakaroon muli ng pelikula sina Kathryn at Alden Richards.

Matatandaang pumatok sa takilya ang una nilang naging pelikula, ang 'Hello, Love, Goodbye.'

Samantala, narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update channel:

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

At noong Nobyembre 30 sa natapos na taong 2023, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.

Read also

Ogie D, matapos ikasal sina Ria at Zanjoe: "Excited nang magkaapo si Papa Art at si Ibyang"

Samantala, si Jericho Rosales naman ay nabalitang hiwalay na 'di umano sa kanyang asawang si Kim Jones. Matapos ito, lumabas ang jogging photos nina Kath at Echo na nahaluan ng ilang espekulasyon ng netizens. Gayunpaman, agad na napaliwanag ni Kath ang tungkol dito kung saan sinabi niyang ang pamangkin ni Echo na malapit niyang kaibigan ang talagang kasama niya sa pagkakataong iyon at naaya lamang nila ang aktor.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel