Ogie D, matapos ikasal sina Ria at Zanjoe: "Excited nang magkaapo si Papa Art at si Ibyang"

Ogie D, matapos ikasal sina Ria at Zanjoe: "Excited nang magkaapo si Papa Art at si Ibyang"

- Natalakay sa Showbiz Update channel ni Ogie Diaz ang tungkol sa pagpapakasal nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo

- Hindi raw mamatay-matay ang napapabalitang buntis 'di umano si Ria

- Ito ang nakikita umanong dahilan ng marami kung bakit gumulantang sa publiko ang engagement nila ni Zanjoe at ngayo'y kasal na sila

- Ayon pa kay Ogie, ngayong kasal na ang dalawa, pagkakaroon naman ng pamilya susunod na kabanata ng mga ito

Napagkwentuhan nina Ogie Diaz, Mama Loi at Ate Mrena sa kanilang Showbiz Update channel ang tungkol sa kasal nina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.

Ogie D, matapos ikasal sina Ria at Zanjoe: "Excited nang magkaapo si Papa Art at si Ibyang"
Ogie D, matapos ikasal sina Ria at Zanjoe: "Excited nang magkaapo si Papa Art at si Ibyang" (@ria)
Source: Instagram

Matatandaang ginulat ng mga ito ang publiko nang ibahagi nila ang ilang larawang kuha sa kanilang kasal sa Quezon City, sa harap ng alkalde nitong si Mayor Joy Belmonte.

Dahil dito, napag-usapan din nina Ogie ang hindi mamatay-matay na isyu na posibleng buntis di umano si Ria.

Read also

Ogie D sa anak ni Jhong Hilario na si Sarina: "Napakabiba ng batang 'yan"

"Hindi nga mamamatay-matay ang issue kasi hanggang makapanganak 'yan. Mabubuhay ang isang napakagandang issue... ang magkaroon ng sanggol," ani Ogie.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Ako ha, hindi ko 'man to mapanaginipan.. Oo naman. Let's all hope and pray na sana isang malusog na baby ang isilang. Napakaganda man nito at napakagwapo ng kombinasyon ni Ria at ni Zanjoe, 'yan ang aabangan natin ano," dagdag pa niya.

"E halata naman na. Nagkaron na ako ng limang anak, Diyos ko. Mahahalata ko 'yun sa katawan, sa aura ng babae. Hindi ko kailangang itanong 'yan," paliwanag pa niya.

Wala pang kumpirmasyon sa panig ng mag-asawang Ria at Zanjoe, naibahagi rin ni Ogie na nais na umanong magkaapo nina Sylvia Sanchez at Art Atayde.

"Dahil ang alam ko talaga, noon pa ha. Hindi pa nag-e-engage si Zanjoe at si Ria, e excited nang magkaapo si Papa Art at si Ibyang. Doon din naman patungo yan, ano ba!"

Read also

Ogie D, sa umano'y body language ng KimPau: "Parang may sinasabi"

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ria Atayde ay isang Filipina actress. Siya ay anak ng isa sa mga respetadong aktres sa bansa na si Sylvia Sanchez. Kapatid ni Ria ang Congressman ng Quezon City na si Arjo Atayde. Kamakailan, ikinasal si Ria sa aktor na si Zanjoe Marudo.

Matatandaang gumulantang sa publiko ang engagement nina Ria at Zanjoe. Gayunpaman, kuha naman na ng dalawa ang basbas lalo na ng mga magulang ni Ria. Walang pagsidlan ng kasiyahan si Sylvia na minsan pang nilarawan si Zanjoe bilang isang napakabait na tao.

Samantala, maraming netizens ang natuwa nang makita ang ilang mga iniidolo nilang celebrities sa kasalan nina Ria at Zanjoe. Isa na rito ang dating love team at ex-lovers na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na nakisaya sa mahalagang araw ng kanilang kaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel