Ogie D, sa umano'y body language ng KimPau: "Parang may sinasabi"

Ogie D, sa umano'y body language ng KimPau: "Parang may sinasabi"

- Muling napag-usapan sa Ogie Diaz Showbiz Update ang tamabalang KimPau

- Ito ay dahil umano sa 'body language' ng dalawa na tila may sinasabi umano ayon kay Ogie Diaz

- Hindi raw kataka-taka kung isang araw ay aamin ang mga ito ng totoong estado ng kanilang samahan

- Sa ngayon, muling bumida sina Kim at Paulo sa Pinoy adaptation ng 'What's wrong with secretary Kim'

Muling napagchikahan nina Ogie Diaz, Mama Loi at Dyosa Pockoh ang tambalang 'KimPau' nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Ogie D, sa umano'y body language ng KimPau: "Parang may sinasabi"
Ogie D, sa umano'y body language ng KimPau: "Parang may sinasabi"
Source: Instagram

Ito ay dahil sa napapansin nilang 'body language' umano ng dalawa lalo na at aminado si Ogie na fan siya ng tambalan.

"Aminin ko, fan ako ng love team nila," ani Ogie sa KimPau na dalawang beses nang nabigyan ng proyekto na talagang tinatangkilik ng publiko.

At dahil pareho naman umanong single sina Kim at Paulo, hindi raw nakapagtataka kung isang araw ay aamin ang dalawa sa totoong estado na ng kanilang relasyon.

Read also

Ivana, ido-donate sa Antipolo church ang lahat ng kikitain ng isa niyang vlog

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Alam mo, hindi na ako magtataka kung one of these days, umamin sila na sila na. Lalo na 'yung mga body language nila... 'Yung body language nila parang may sinasabi," pahayag ni Ogie

"Yung hindi man nila sabihin na yes, kami na, parang ibinubuko sila ng kanilang body language," paliwanag pa niya.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz YouTube channel:

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw. Nagkaroon din siya ng mga kanta kagaya ng MR. Right at Peng Yu.

Naging maugong ang pagtatapos ng kanilang relasyon na naunang napansin ng publiko dahil na rin sa mga sagot ni Kim tuwing natatanong nito tungkol kay Xian.

Read also

Ogie D, sa nagtatanong kung nanliligaw daw si Jericho kay Kathryn: "Di ko alam ang isasagot"

Isa na rito ang aktres na si Maricel Soriano kung saan hayagang nausisa noon si Kim kung kumusta na nga ba ang estado ng relasyon nito sa kanyang nobyo. Hindi pa noon nakukumpirma ng 'KimXi' ang kanilang hiwalayan kaya naman ang sagot ni Kim sa Diamond Star 'naka-hang' daw ang kanyang love life sa panahong iyon.

Samantala, sa panayam ni Dr. Vicki Belo kay Kim kamakailan, natanong siya nito kung ano ang estado ng kanyang puso sa ngayon. Nilarawan niya ito na "a little empty."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel