Ogie D, sa umano'y relasyon nina Bea at Dominic: "'Wag nating pangunahan"

Ogie D, sa umano'y relasyon nina Bea at Dominic: "'Wag nating pangunahan"

- Natalakay nina Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel sina Dominic Roque at Bea Alonzo

- Mula nang kumpirmahin nilang 'di muna tuloy ang wedding plans, naging matunog namang nagkaayos ang dalawa

- Ayon kay Ogie, minsan na nilang naibalitang tila nakakapunta na muli si Dominic sa bahay nina Bea

- Subalit paalala nito, hintayin na lamang ang anunsyo ng dalawa at hindi raw dapat itong pangunahan

Muling napag-usapan nina Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel ang tungkol kina Bea Alonzo at Dominic Roque.

Ogie D, sa umano'y relasyon nina Bea at Dominic: "'Wag nating pangunahan"
Bea Alonzo and Dominic Roque (@dominicroque)
Source: Instagram

Sa kabila ng pananahimik ng dalawa matapos ang kumpirmasyon na hindi matutuloy ang kanilang wedding plans sa ngayon, matatandaang minsan nang naibahagi ni Ogie mula sa kanyang source na nakakapunta na muli si Dominic sa bahay nina Bea.

Gayunpaman, paalala rin nito na hayaan ang dalawa kung kukumpirmahin ito o kung ano na ba talaga ang kinahinatnan ng kanilang relasyon.

Read also

MelaSon, inalmahan ang komentong naghahanapbuhay na din ang anak nila

"Nasa tamang edad naman na sila since desisyon naman nila 'yun. Hindi naman sila mga menor para diktahan pa ng mga nasa legal age 'di ba? Sino naman tayo para kulitin 'yung dalawa umamin na kayo na nagkabalikan na ba kayo, Bea Dominic? Sino naman tayo para mangulit? Mag-intay na lang tayo ng announcement."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"'Wag nating pangunahan," paalala ni Ogie.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Ogie Diaz showbiz Update channel:

Si Dominic Roque ay kilalang aktor, model at negosyante sa Pilipinas. Lumabas na siya sa ilang programa sa telebisyon at maging sa pelikula. Matatandaang nagpaunlak pa sila ni Bea Alonzo ng panayam sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Matatandaang minsang naibahagi ni Ogie Diaz ang nakarating umano sa kanya mula sa isang source na nagtutungo na si Dominic sa bahay ni Bea Alonzo. Nabanggit din niya ang una nang naibalita ng showbiz reporter na si Jobert Sucaldito tungkol umano sa interview kay Dominic na tila narinig 'di umano ang boses ni Bea Alonzo na animo'y kasama nito.

Read also

Melai Cantiveros, nakwentong naiyak ang anak sa gitna ng pagdarasal nito

Pebrero 11 nang naglabas ng pahayag sina Bea Alonzo at Dominic Roque ukol sa kinahinatnan ng kanilang engagement. Ayon sa dalawa, nalulungkot silang ibang tao pa umano ang nagkumpirma ng kanilang hiwalayan nang wala nilang pahintulot. Nakiusap din silang huwag nang maglabas ng kung ano-anong kwento tungkol sa kinahinatnan ng kanilang relasyon na wala naman umanong basehan at walang katotohanan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel