Kathryn, umano'y di muna gagawa ng proyekto kasama si Daniel ayon sa source ni Cristy Fermin

Kathryn, umano'y di muna gagawa ng proyekto kasama si Daniel ayon sa source ni Cristy Fermin

- Kamakailan ay pumirma na muli ng kontrata si Kathryn Bernardo sa Kapamilya Network

- Ayon sa source ni Cristy Fermin, natagalan ito bago mangyari dahil sa umano'y ilang binago sa kontrata

- Kasama na rito ang hindi raw muna umano paggawa ng proyekto ni Kathryn kasama si Daniel

- Matatandaang naging emosyonal si Kathryn sa naturang contract signing at inamin ang hirap na dinanas noong 2023

Pumirma muli kamakailan ng kontrata sa ABS-CBN ang 'Forever Kapamilya' star na si Kathryn Bernardo.

Kathryn, umano'y di muna gagawa ng proyekto kasama si Daniel ayon sa source ni Cristy Fermin
Kathryn Bernardo (@abscbn)
Source: Instagram

Ayon sa source ni Cristy Fermin, natagalan umano ito ng kaunti dahil sa ilang binago sa kontrata ng aktres.

"May mga pinabago pala sa kontrata. May mga clause doon na pinabago ng kanyang abogado at kanyang mga magulang at ni Kathryn na mismo"
"At ito po ang isa sa mga sinabi ng aming source na mga pinabago. Katulad ng siya na ang pipili ng gusto niyang maging leading man sa teleserye o pelikula na gagawin niya sa kompanya."

Read also

Kathryn Bernardo, hindi napigilan ang emosyon nang binalikan ang pinagdaanan

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"At isa pa. Sigurado 'yung aking source sa kanyang sinabi na isa sa mga pinabago niya, wala muna silang gagawing proyekto ni Daniel Padilla."

Dahil sa mga ito, sa pantaha umano ni Cristy, ganoon na lamang kasama ang loob ni Kathryn sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Daniel.

"Matindi talaga ang sakit na dinulot sa kanya ng nangyari sa kanila ni Daniel. Kasi kung ito ay mababaw lang, napaka-professional actress niya."

Gayunpaman, isa rin si Cristy sa nagsabing hindi pa rin mawawala ang posibilidad na magsama ang 'Kathniel' sa isang proyekto sa darating na panahon.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

Read also

Cristy, 'di umano sang-ayon sa pagtakbong senador ni Willie: "Nanunumbat, napakamali 'nun"

At noong Nobyembre 30 sa natapos na taong 2023, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.

Minsan namang napuri ni Cristy ang umano'y maayos pa rin na pakikitungo nina Daniel at Kathryn sa isa't isa sa tuwing may pagkakataong sila ay magkakasama sa isang event. Very professional umano ang dalawa na maayos umanong nadadala ang kanilang hiwalayan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel