Cristy, 'di umano sang-ayon sa pagtakbong senador ni Willie: "Nanunumbat, napakamali 'nun"

Cristy, 'di umano sang-ayon sa pagtakbong senador ni Willie: "Nanunumbat, napakamali 'nun"

- Naglabas ng saloobin si Cristy Fermin patungkol sa umano'y plano ni Willie Revillame sa pagka-senador sa 2025

- Kung si Cristy umano ang tatanungin, ayaw niyang pasukin ni Willie ang mundo ng pulitika

- Nasabi rin niyang hindi rin niya ito iboboto sakaling matuloy ang pagtakbo ni Willie sa pagka-senador

- Nabanggit din kasi ni Cristy ang tungkol sa pagtulong ng bukal sa loob, gayung 'nanunumbat' 'di umano si Willie kapag tumutulong

Hayagang nasabi ni Cristy Fermin na hindi umano siya sang-ayon sa pagtakbong senador ni Willie Revillame.

Cristy, 'di umano sang-ayon sa pagtakbong senador ni Willie: "Nanunumbat, napakamali 'nun"
Willie Revillame (Wowowin)
Source: Facebook

Alam niya umanong hindi siya nito pakikinggan lalo na at marami umano ang nagnanais itong maging senador ng bansa.

"Ako, ayoko ko siyang pumasok sa mundo ng pulitika. Pero sino po ba ako, isang tao lamang. Hindi naman niya pakikinggan. Kung mas marami ang nag-aamuki sa kanya na pasukin ang mundo ng paseserbisyo."

Read also

Cristy, nabalitaang maaring 'di matuloy ang pag-uwi ni Bimby para mag-artista

"Pangalawa, ako hindi boboto sa kanya. Pero muli, ano ba ang isang boto ko kung mrami namang may gusto sa kanya na maupo bilang senador ng bayan."

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Kasi tapos na po sa akin 'yung galit e. Binura ko na yan sa puso ko para wala akong stress. Kakatiting lang ang sukat ng puso natin magagalit pa ba tayo habang panahon. Pero, meron tayong pagkakataon na lumilingon tayo sa nakaraan."

Nabanggit din niya umano ang tungkol umano sa istilo ng pagtulong ni Willie na aniya'y 'napakamali.'

"Ang punto ko lang, bukal sa loob daw ang kanyang pagtulong sa publiko na hindi ko po sinasang-ayunan at ng iba pang taong tulad ko ay sinudsuran niya ng tulong. Kasi 'pag tumutulong si Willie Revillame, nanunumbat. Napakamali 'nun."
"Kasi kung papasok ka bilang isang pulitiko, serbisyong pampuliko ang pinasok mo. Hindi ka nanunumbat. 'E ganun ang ugali niya e"

Read also

Carmina sa bashers: "Hindi niyo pa ho naririnig 'yung side namin, nakapag-judge ka na"

Gayunpaman, nasabi pa rin ni Cristy na "Sino ba tayo para pumigil sa kanyang pangarap."

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Si Willie Revillame isa sa mga batikang komedyante at TV host sa Pilipinas. Kilala siya bilang isa sa mga pinakamayamang celebrity sa bansa. Naibabahagi niya umano ang mga biyayang ito sa ilang mga game show niya na talagang pumatok sa masa tulad na lamang ng Wowowin.

Bagama't makailang beses nang inalok na pasukin ang pulitika, minabuti niyang manatili sa programa kung saan umano siya nakakatulong na agad sa kapwa Pilipino na nangangailangan.

Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sina Cristy Fermin at Willie Revillame dahil sa umano'y naging pasaring ni Willie sa taong pinaniniwalaan ni Cristy.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel