Carmina sa bashers: "Hindi niyo pa ho naririnig 'yung side namin, nakapag-judge ka na"

Carmina sa bashers: "Hindi niyo pa ho naririnig 'yung side namin, nakapag-judge ka na"

- Nagbigay mensahe si Carmina Villarroel sa mga bashers na madaling mamuna sa social media

- Aniya, sana'y inaalam muna ng mga taong ito ang magkabilang panig bago manghusga

- Kamakailan ay nabansagan umanong pakialamera si Carmina pagdating umano sa mga anak lalo na kay Mavy

- Naging matunog din kasi ang hiwalayan nina Mavy at Kyline Alcantara noong nakaraang taon na wala pa rin umanong kumpirmasyon hanggang ngayon mula mismo sa kanila

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, natalakay ni Carmina Villarroel-Legaspi kung paano hinaharap ng pamilya nila ang mga bashers.

Carmina sa bashers: "Hindi niyo pa ho naririnig 'yung side namin, nakapag-judge ka na"
Carmina Villarroel- Legaspi with family (@mina_villarroel)
Source: Instagram

Inalala pa niya ang panahong wala pa umanong social media na pawang mga kolumnista lang noon ang nakapagbibigay opinyon sa kanilang mga artista.

Subalit ngayon, kahit sinong tao ang nakapagbibigay ng komento mabuti man o hindi ang kanilang sinasabi kahit hindi nila lubos na kilala ang binabatikos.

Read also

Antonette Gail, nilinaw na nagpaopera siya pero dahil sa sakit at hindi dahil sa pagpapaganda

Dahil dito, naglabas ng saloobin si Carmina at tila paalala na rin sa publiko lalong-lalo na sa mga netizens.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Sana, bago kayo humusga ng tao or bago kayo magkomento, kasi napakadaling magkomento e. Lalong-lalo na kapag wala ka pang mukha doon sa social media o dun sa account mo. 'Yung parang ang dami mong mga dummy account."
"Hindi ko naiintindihan kung bakit ang dali lang para sa kanila na manira. Ang dali para sabihin na, ay ganito ka kasi... ganito ka... Hindi niyo pa ho naririnig 'yung side namin, nakapag-judge ka na. Naniwala ka na just because narinig mo lang 'tong side nung kabila."
"Hindi naman ito contest na ay mas maraming naniniwala sa'min kaysa sa'yo. Kasi unang-una, ayaw namin ng gulo. Ayaw namin ng problema, ayaw namin ng intriga."

Read also

Toni, naikwentong nag-ala Mommy Pinty nang masigawan si Seve

Inamin din niyang nasasaktan sila lalong-lalo na kung ang kanyang mga anak ang nahuhusgahan o napagbibintangan.

"Emotionally, oo. Pero, alam ko kasi yung totoo. Alam kasi ng mga anak ko kung ano yung totoo. So, masakit hindi dahil totoo, masakit kasi pinagbibintangan sila."
"Oo nasa showbiz world kami, oo mga artista kami. Pero hindi mami showbiz na tao. Hindi kami yung konting ganito lang, ay magpapa-interview ako. Kailangang i-explain ko 'yung side ko."
"Kasi ang sa akin, kung talagang kilala niyo kami, kung talagang kilala niyo 'yung pamilya namin, lagi kong sinasabi sa kanila, the people around us who truly cares, and kung sinoman yung talagang nakakakilala sa amin will speak for us."

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Inspires YouTube channel:

Si Carmina Villarroel Legaspi ay isa sa mga kilalang aktres sa bansa mula pa noong dekada 80. Hanggang ngayong aktibo pa rin ito sa showbiz. Katunayan, kakapalabas lamang ng bago nilang pelikula kasama ang kanyang mga kaibigang sina Gelli De Belen, Janice De Belen at Candy Pangilinan.

Read also

Cristy, dumepensa kay Kathryn: "wag pong pagbintangan na nagwawala, nagwawalwal"

Kamakailan, naharap sa kontrobersya ang anak niyang si Mavy Legaspi kaugnay umano sa hiwalayan nila ng aktres na si Kyline Alcantara. Isa ito sa mga sinasabing showbiz couples na kinumpirma ang hiwalayan bago matapos ang taong 2023.

Kabilang na rito sina Elijah Canlas at Miles Ocampo, Xian Lim at Kim Chiu at ang pinakamaingay na hiwalayan sa lahat, ay ang sa 'KathNiel' na hanggang ngayon ay may kabi-kabila pa umanong espekulasyon kung bakit tuluyang nauwi sa paghihiwalay ang 11 taon nilang relasyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel