Toni, naikwentong nag-ala Mommy Pinty nang masigawan si Seve

Toni, naikwentong nag-ala Mommy Pinty nang masigawan si Seve

- Naikwento ni Toni Gonzaga ang pagkakataong nasigawan niya ang anak na si Seve

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Pabiro niya ito idinetalye na may kaugnayan umano sa kung paano rin sila noon dinidisiplina ni Mommy Pinty

- Ani Toni, tila lumabas umano ang pagka-Mommy Pinty niya sa pagkakataong ito ngunit hindi na niya ito nais na ilabas muli

- Gayunpaman, nagpapasalamat si Toni sa paraan ng pagpapalaki sa kanya ng mga magulang na bahagi ng tagumpay niya ngayon

Nabanggit ni Toni Gonzaga ang minsang nasigawan niya ang panganay na anak na si Seve.

Toni, naikwentong nag-ala Mommy Pinty nang masigawan si Seve
Toni Gonzaga with son, Seve (Alex Gonzaga Official)
Source: Facebook

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa YouTube channel ng kanyang mga magulang na Bonoy & Pinty Gonzaga kung saan naging panauhin siya ng talk show ng mga ito na BoTalks Pin, natanong si Toni kung nagawa rin niya sa mga anak ang istilo ng pagdidisiplina sa kanila noon ng kanyang Mommy Pinty.

Read also

Antonette Gail, nilinaw na nagpaopera siya pero dahil sa sakit at hindi dahil sa pagpapaganda

"Nasigawan ko si Seve 'di ba? Pinapaliguan ko, padulas nang padulas. Kanina ka pa! Tapos natigilan ako, ahhh! Lumabas si Mommy Pinty. Hindi ko na 'yun ilalabas. Itatago ko na 'yun sa baul," pagdidetalye ni Toni.

Pabiro rin kasing naikwento ni Toni kung paano sila nasisigawan noon ni Mommy Pinty na sinigundahan naman ng kanyang kapatid na si Alex.

Gayunpaman, malaki pa rin ang kanya umanong pasasalamat sa kanyang mga magulang na may malaking bahagi sa tagumpay niya ngayon dahil sa kung paano sila pinalaki ng mga ito.

Narito ang kabuuan ng kanilang talakayan:

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay sa dalawang anak nina Carlito "Bonoy" at Crisanta "Pinty" Cruz Gonzaga. Si Toni ang ate ng isa ring kilalang aktres at TV host na si Catherine "Cathy" Gonzaga o mas kilala bilang si Alex Gonzaga.

Read also

Mommy Pinty, kinagiliwan nang tawagin nitong Rosmar si Viy Cortez

Matatandaang sa isa sa kanyang vlog, minsan na ring naikwento ni Toni na ang kapatid niyang si Alex ang nagkumbinsi sa kanya na pasukin ang mundo ng pagiging isang content creator. Subalit kapansin-pansin na magkaiba ang tipo ng content ng kanilang mga videos na naibabahagi sa publiko.

Sa ngayon, isa ang 'Toni Talks' sa kanyang channel na Toni Gonzaga Studio, sa pinakaaabangang talk show sa YouTube. Linggo-linggo, inspirasyon ang hatid ng mga kwento ng personalidad na kanyang nakakapanayam. Nito lamang Enero, labis ang pasasalamat ni Toni sa lahat ng sumuporta at dumalo sa kanyang birthday concert at selebrasyon ng kanyang ika 20 taon sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel