Mommy Pinty, kinagiliwan nang tawagin nitong Rosmar si Viy Cortez

Mommy Pinty, kinagiliwan nang tawagin nitong Rosmar si Viy Cortez

- Napagkamalan ni Mommy Pinty Gonzaga na si Rosmar si Viy Cortez

- Natawa na lamang din si Toni Gonzaga at sinabing mali-mali ang ina

- Ayon pa kay Toni, baka si Rosmar ang huling napanood ng ina kaya ito ang nabanggit na pangalan

- Sina Viy Cortez at Rosmar Pamulaklakin ay dalawa sa mga kilalang content creator, influencer at CEO ng kani-kanilang mga negosyo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinagiliwan ng marami si Mommy Pinty Gonzaga nang pagkamalan niyang si Rosmar ang isa ring kilalang content creator na si Viy Cortez.

Mommy Pinty, kinagiliwan nang pagkamalang si Rosmar si Viy Cortez
Viy Cortez (@viycortez)
Source: Instagram

Sa Youtube channel ni Viy kung saan panauhin niya si Toni Gonzaga, tinawagan nila si Mommy Pinty.

At nang mag-goodbye na ito sa video call, bagama't naputol, napansin ni Viy na "Rosmar" ang naitawag sa kanya ni Mommy Pinty.

Read also

Toni, naikwentong nag-ala Mommy Pinty nang masigawan si Seve

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Akala niya si Rosmar ako... Nice to see you Rosmar," natatawang nasabi ni Viy.

"Mali-mali din 'to. Walang salamin kasi. Siguro kung ano lang makita niya pagka-blur 'yung mukha... Sino ba 'yung huli kong napanood?" ayon naman kay Toni natawa rin sa nasabi ng ina.

Si Viy, tulad ni Rosmar ay isa sa mga kilalang influencer at CEO ng sarili niyang business. Siya ang partner ng isa sa mga nauna at matagumpay na content creator sa bansa, si Cong TV.

Samantala, narito ang kabuuan ng nasabing vlog:

Si Rosmar Tan o Rosemarie Tan ay nakilala sa social media dahil sa kanyang pamamahagi ng tulong sa mga netizens lalo na ngayong panahon ng pandemya. Unti-unting lumaki ang bilang ng mga taong naka-follow sa kanyang social media accounts.

Read also

Toni Gonzaga, natanong kung isa nang bilyonarya: "Iba ang definition ko ng bilyonaryo e"

Matatandaang nag-viral si Rosmar dahil sa kanyang ipon challenge noong 2017. Na sinundan naman ng kanya noong kakaibang restaurant kung saan super enjoy ang kanyang mga customers dahil tila nasa loob sila ng pet cage.

Sa ngayon, isa na siyang CEO ng sarili niyang brand at habang parami nang parami ang tumatangkilik sa kanya, dumarami rin ang mga produktong naihahain niya sa kanyang mga supporters. Ilang araw lamang ang nakalilipas ay isinilang ni Rosmar ang ikalawa niyang anak na si Nathalia Rose. Ipinakita rin ni Rosmar ang kanyang postpartum body na hinangaan ng marami.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel