Toni Gonzaga, natanong kung isa nang bilyonarya: "Iba ang definition ko ng bilyonaryo e"

Toni Gonzaga, natanong kung isa nang bilyonarya: "Iba ang definition ko ng bilyonaryo e"

- Isa sa mga natanong ni Viy Cortez kay Toni Gonazaga ay kung isa na itong milyonarya

- Hindi man diretsang nasagot ni Toni, ngunit iba raw umano ang depenisyon sa kanya ng pagiging isang bilyonaryo

- Lumabas naman na 'truth' ang kanyang naisagot gayung naka-lie detector test siya habang binibigay ni Viy ang mga katanungan

- Matapos isilang ang kanyang bunsong anak na si Polly, naging abala si Toni sa kanyang YouTube channel at sa kanyang pelikulang 'My Sassy girl'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

"Ikaw ba ay bilyonaryo na?" isa ito sa mga naitanong ni Viy cortez kay Toni Gonzaga nang maging panauhin niya ito sa kanyang YouTube channel.

Toni Gonzaga, natanong kung isa nang bilyonarya: "Iba ang definition ko ng bilyonaryo e"
Toni Gonzaga (Viy Cortez YouTube)
Source: Youtube

"Dati ina-aspire kong maging bilyonaryo in terms of wealth. E kasi iba ang definition ko ng bilyonaryo e," saad ni Toni.

Read also

Cristy sa umano'y nabentang kotse ni Daniel: "Kay Kathryn lang pala ang perang 'yun"

"Pero 'nung nagkaroon ako ng Polly, sabi ko ah. Ito pala ang pakiramdam ng isang bilyonaryo. You have everything. You're more than a billionaire kapag sobra mong saya sa kung anong meron ka," dagdag pa niya.

Lumabas naman na truth ang kanyang sagot gayung nakalie detector test siya habang tinatanong ni Viy.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Narito ang kabuuan ng naging interview kay Toni Gonzaga mula sa Viy Cortez YouTube channel:

Si Celestine Cruz Gonzaga-Soriano, o mas kilala bilang si Toni Gonzaga, ay isang Filipina singer, television host, actress, producer, vlogger, at entrepreneur. Siya ang panganay sa dalawang anak nina Carlito "Bonoy" at Crisanta "Pinty" Cruz Gonzaga. Si Toni ang ate ng isa ring kilalang aktres at TV host na si Catherine "Cathy" Gonzaga o mas kilala bilang si Alex Gonzaga.

Read also

Mommy Pinty, kinagiliwan nang tawagin nitong Rosmar si Viy Cortez

Matatandaang sa isa sa kanyang vlog, minsan na ring naikwento ni Toni na ang kapatid niyang si Alex ang nagkumbinsi sa kanya na pasukin ang mundo ng pagiging isang content creator. Subalit kapansin-pansin na magkaiba ang tipo ng content ng kanilang mga videos na naibabahagi sa publiko.

Sa ngayon, isa ang 'Toni Talks' sa kanyang channel na Toni Gonzaga Studio, sa pinakaaabangang talk show sa YouTube. Linggo-linggo, inspirasyon ang hatid ng mga kwento ng personalidad na kanyang nakakapanayam. Nito lamang Enero, labis ang pasasalamat ni Toni sa lahat ng sumuporta at dumalo sa kanyang birthday concert at selebrasyon ng kanyang ika 20 taon sa showbiz.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel