Cristy Fermin: "Hindi na kinaya ni Mavy ang pagiging selosa, insecure ni Kyline Alcantara"

Cristy Fermin: "Hindi na kinaya ni Mavy ang pagiging selosa, insecure ni Kyline Alcantara"

- Nakarating umano kay Cristy Fermin ang impormasyong patungkol kay Mavy Legaspi at sa nobya nitong si Kyline Alcantara

- Matatandaang naging matunog din ang kanilang hiwalayan kamakailan tulad ng ilang mga celebrity real-life couples

- Ito ay matapos na mapansin din ng publiko ang umano'y cryptic post ni Kyline

- Hindi ito maiwasang maiugnay sa napapabalitang pagkakalabuan ng dalawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Cristy Fermin ang nakarating umano sa kanyang balita patungkol sa relasyon ng mga Kapuso artists na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.

Cristy Fermin: "Hindi na kinaya ni Mavy ang pagiging selosa, insecure ni Kyline Alcantara"
Cristy Fermin: "Hindi na kinaya ni Mavy ang pagiging selosa, insecure ni Kyline Alcantara" (@mavylegaspi)
Source: Instagram

Matatandaang sila rin ang ilan sa mga magkakarelasyong napapabalitang hiwalay na 'di umano.

Sa pinakabagong episode ng Showbiz Now Na! isa umano ito sa mga natalakay nina Cristy Fermin, Wendell Alvarez at Romel Chika.

"Isang source natin na hindi nanununog at nangungururyente ang nagsabing hindi na kinaya ni Mavy ang pagiging selosa, insecure ni Kyline Alcantara. Hinahawakan daw siya sa leeg... Ala namang lalake ang papayag ng ganun," ani Cristy.

Read also

Panayam kay Daniel ukol sa A Very Good Girl kung saan 'nobya' pa ang tawag niya kay Kathryn, viral

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Kaya ka nga nakikipagrelasyon para maging masaya at maligaya ka e," dagdag pa niya.

Kamakailan, naging usap-usapan din kasi ang umano'y cryptic post ni Kyline na naiuugnay ng publiko sa sinasabing hiwalayan nila ni Mavy.

Gayunpaman, magpasahanggang ngayo'y wala paring inilalabas na pahayag ang magkabilang panig patungkol sa isyung ito.

Si Maverick "Mavy" Legaspi ay isa sa kambal na mga anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi. Isa si Mavy sa mga hosts ng Eat Bulaga kasama sina Paolo Contis, Isko Moreno at Buboy Villar na pumalit sa mga orihinal na hosts nito.

Samantala, kung hindi pa kumpirmado ang hiwalayan ng 'Mavline' nina Mavy at girlfriend nitong si Kyline Alcantara, ilan sa mga real-life showbiz couples naman ang nagkumpirma ng kanilang hiwalayan kamakailan. Isa na rito sina Elijah Canlas at Miles Ocampo na tahimik na tinapos ang kanilang relasyon.

Read also

Ivana Alawi sa kanyang love life: "I'm seeing someone. So 'yun, I'm happy"

Gayundin ang Kathniel na gumulantang ang kumpirmasyon sa publiko noong Nobyembre 30. Sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla mismo ang nagkumpirma ng matagal nang napapabalitang hiwalayan nila sa pamamagitan ng kani-kanilang mga social media post. Kabi-kabilang espekulasyong ang lumabas ukol sa posibleng dahilan ng kanilang hiwalayan ngunit wala ni isa sa kanila ang nagbanggit pa ng tungkol dito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel