Cristy, dumepensa kay Kathryn: "wag pong pagbintangan na nagwawala, nagwawalwal"

Cristy, dumepensa kay Kathryn: "wag pong pagbintangan na nagwawala, nagwawalwal"

- Dinipensahan ni Cristy Fermin si Kathryn Bernardo sa mga pumupuna rito

- May mga nagsasabi umanong nagwawala na ito ngayon at nagwawalwal dahil lamang sa mga post na naibabahagi nito

- Ito raw 'di umano ay may kaugnayan pa rin sa hiwalayan nila ni Daniel Padilla noong nakaraang taon

- Ayon pa kay Cristy, mabuti na ang ginagawa ni Kathryn na tila hayagan sa publiko hindi raw tulad umano ng iba na patago

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Dinipensahan ni Cristy Fermin si Kathryn Bernardo sa mga bumabatikos sa naibabahagi niya kamakailan sa kanyang social media.

Cristy, dumepensa kay Kathryn: "wag pong pagbintangan na nagwawala, nagwawalwal"
Kathryn Bernardo (@bernardokath)
Source: Instagram

Mapapansin umanong madalas na mag-socialize ang aktres at mayroon pa umano itong hawak na inumin. Dahil dito, kabi-kabilang komento ang naibabato sa aktres na nagsasabing 'nagwawala' na umano ito.

"Ang sabi, siya daw po ay nagpapakawala o nagwawalwal. Nakawala ka lang sa piling ni Daniel Padilla, parang nakawala ka na sa hawla," pagbabahagi ni Cristy ng sinasabi umano ng ilan.

Read also

Antonette Gail, nilinaw na nagpaopera siya pero dahil sa sakit at hindi dahil sa pagpapaganda

Depensa naman niya kay Kathryn, "alam niyo po, dapat intindihin natin na si Kathryn ay isang human being. Isang tao po siya na sa haban po ng panahon na gusto niyang gawin din sana na pag-socialize ay hindi niya nagawa dahil nga kay Daniel, hindi pwede ang ganun"

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

"Ang pagbibigay po ba ng premyo sa sarili, pagwawala po ba yun?," dagdag pa niya.

"Buti nga e, si Kathryn, ipinakikita 'yung ginagawa niya. Hindi po katulad ng iba, wala po kaming pinatutungkulan, tabi-tabi. "yung iba nga e, magwawalwal sa loob ng bahay para lang maitago sa publiko. Si Kathryn nga, nagso-socialize in public. Napaka-normal niya."

"So wag pong pagbibintahgan na nagwawala, nagwawalwal. Ang pagbibigay po ng premyo sa sarili, pagwawala po ba yun? Nasa edad na si Kathryn. Alam na niya ang makabubuti at makasasama sa kanya," pagpapatuloy pa ni Cristy.

Read also

Xander Arizala kay Merck: "Lagi siyang may masasabi na kung ano-anong puna niya"

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

At noong Nobyembre 30 sa natapos na taong 2023, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.

Minsan namang napuri ni Cristy ang umano'y maayos pa rin na pakikitungo nina Daniel at Kathryn sa isa't isa sa tuwing may pagkakataong sila ay magkakasama sa isang event. Very professional umano ang dalawa na maayos umanong nadadala ang kanilang hiwalayan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel