Xander Arizala kay Merck: "Lagi siyang may masasabi na kung ano-anong puna niya"

Xander Arizala kay Merck: "Lagi siyang may masasabi na kung ano-anong puna niya"

- Nagalabas ng saloobin si Xander Arizala kaugnay sa sagutan nina Christian Merck Grey at Whamos Cruz

- Aniya, hindi na maganda yung ginagawa ni Merck na nakikialam siya sa mga desisyon nila sa kung anong gawin nila sa birthday ng anak nila

- Dapat daw ay tumigil na ito sa ginagawa nito na nakikialam daw sa mga gustong gawin ng mga tao sa buhay nila

- Huwag na lang daw ito pumunta sa mga handaan dahil huhusgaan at kukutyain lang daw naman nito ang pupuntahan niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sinabi ni Xander Arizala na hindi na daw siya dapat nakikialam sa isyu nina Whamos at Christian Merck Grey. Pero aniya, gusto lang niyang sabihin na hindi na maganda yung ginagawa ni Merck na nakikialam siya sa mga desisyon nila sa kung anong gawin nila sa birthday ng anak nila.

Read also

Merck: "Hindi pangit yung mga sayaw nyo, alam nyo kung ano tawag dun? 'wala sa lugar'"

Xander Arizala kay Merck: "Lagi siyang may masasabi na kung ano-anong puna niya"
Xander Arizala kay Merck: "Lagi siyang may masasabi na kung ano-anong puna niya"
Source: Facebook

Aniya, may isyu na naman ito sa birthday ng anak ni Whamos. Hindi daw dapat ito nakikialam sa mga gustong gawin ng magulang sa kaarawan ng kanilang anak. Huwag na lang daw ito pumunta sa mga handaan dahil huhusgaan at kukutyain lang daw naman nito ang pupuntahan niya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Xander Ford ay ang dating pangalang ginamit ni Marlou Arizala, isang Filipino internet personality at dating miyembro ng grupong Hasht5. Noong 2017, nag-viral si Marlou Arizala matapos siyang sumailalim sa ilang cosmetic surgery procedures upang baguhin ang kanyang itsura. Matapos ang mga operasyon, nagdesisyon siyang gamitin ang pangalang "Xander Ford."

Kamakailan ay naglabas ng saloobin si Xander sa kanyang Instagram stories. Kaugnay ito sa aniya'y mga taong kanyang inimbitahan sa binyag ng kanyang anak. Hindi daw sila sumipot sa binyag at ikinadismaya ni Xander at kahit presensiya lang daw sana ng mga taong ito para sa kanyang anak ay ayos na sa kanya. Hindi naman na binanggit ni Xander kung sino ang kanyang tinutukoy na mga tao.

Matatandaang pinangalanan ni Xander si Merck bilang yung taong kanyang tinutukoy sa kanyang post. Aniya, pinangakuan umano siya nito kaya pinapabayaran niya ang P349K na umano ay pinangako nito sa kanya. Dagdag pa niya, kung alam nila ay hindi na muna sana daw sila nagpabinyag. Humingi din siya ng tulong sa kanyang mga kaibigan na aniya ay makuha ang pinaglalaban niya.

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel