Merck: "Hindi pangit yung mga sayaw nyo, alam nyo kung ano tawag dun? 'wala sa lugar'"

Merck: "Hindi pangit yung mga sayaw nyo, alam nyo kung ano tawag dun? 'wala sa lugar'"

- Hindi nagustuhan ni Christian Merck Grey ang naging sagot ni Whamos Cruz sa kanyang inihayag na opinyon kaugnay sa birthday celebration ng anak nito

- Ani Merck, wala naman daw siyang sinabi na kahit anong masama kaugnay sa event ni Whamos at ang kanyang naging problema daw ay hindi gaanong okay yung program para sa children's party

- Hindi daw niya gusto na pinersonal siya ni Whamos gayong hindi naman daw siya nito lubos na kilala

- Dagdag pa ni Merck na hindi pangit ang mga sayaw nila doon kundi wala lang sa lugar

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Christian Merck Grey, pinersonal siya ni Whamos Cruz gayong nagbigay lang naman siya ng opinyon niya tungkol sa nangyari sa event nila. Sa kanyang nilabas na video, sinabi ni Merck na masyado na daw lumaki ang ulo ni Whamos.

Read also

Xander Arizala kay Merck: "Lagi siyang may masasabi na kung ano-anong puna niya"

Merck: "Hindi pangit yung mga sayaw nyo, alam nyo kung ano tawag dun? 'wala sa lugar'"
Merck: "Hindi pangit yung mga sayaw nyo, alam nyo kung ano tawag dun? 'wala sa lugar'"
Source: Facebook

Aniya, nagbigay lang daw siya ng kanyang opinyon dahil maraming tao ang nagsabing hindi daw pang children's party ang event nila.

Pinersonal mo ako at yan ang pinakamaling ginawa mo sa akin tol.

Wala daw karapatan si Whamos na husagahan yung buong pagkatao niya dahil sa ginawa niyang video.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sabagay, ganyan naman ugali mo di'ba? Kapag merong isang tao na hindi nakapagsabi ng papabor kay Whamos, hindi na maganda yung ugali. Tol, ako sabihan mo ako hindi ako okay na kaibigan? Tol bakit hindi mo itanong sa mga kaibigan ko?

Dagdag pa ni Merck na hindi pangit ang mga sayaw nila doon kundi wala lang sa lugar.

Si Whamos Cruz ay isang kilalang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Read also

Whamos, bumwelta kay MG: "Hindi lang na invite gumawa na ng kanta jusko"

Kamakailan ay binahagi ni Antonette ang kanilang mga plano at pangarap para sa kanilang binubuong pamilya ni Whamos. Naniniwala umano siyang mag-iiba ang priority nila ni Whamos kapag lumabas na ang kanilang baby. Aniya, gagawin nila ang kanilang makakaya para maging hands-on parents habang patuloy na nagsusumikap para sa pamilya nila. Inaasahan niya din umano na mas magsisipag si Whamos dahil may anak na sila at maglalaan ito ng oras para sa kanila.

Sa vlog ni Ryan Bang, nakausap at nakapanayam niya sina Whamos at Antonette. Inimbitahan niya ang dalawa sa isa sa kanyang Ducup stores at masayang nakipagkwentuhan sa kanila. Kabilang sa naitanong ni Ryan kay Antonette ay kung bakit nito minahal si Whamos. Naglabas ng kanyang komento si Ryan kaugnay sa naging sagot ni Antonette.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel