Whamos, bumwelta kay MG: "Hindi lang na invite gumawa na ng kanta jusko"

Whamos, bumwelta kay MG: "Hindi lang na invite gumawa na ng kanta jusko"

- Sinagot din ni Whamos Cruz si MG kaugnay sa kanyang ginawang video kaugnay sa ginanap na birthday party ni Meteor

- Aniya, kuya pa naman ang tawag niya kay MG dahil malaki ang respeto nito sa kanya

- Dahil sa ginawa daw nito kay Antonette ay parang nawala ang respeto niya kay MG

- Matatandaang gumawa ng video si MG kaugnay sa kanyang komento matapos hindi siya naimbita sa party at gumawa pa ng kanta ito patungkol sa pagsayaw ni Antonette sa party

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umalma si Whamos Cruz sa nilabas na opinyon ni MG kaugnay sa birthday celebration ng anak nilang si Meteor. Ginawan pa nito ng kanta patungkol sa pagsayaw ni Antonette sa party.

Whamos, bumwelta kay MG: "Hindi lang na invite gumawa na ng kanta jusko"
Whamos, bumwelta kay MG: "Hindi lang na invite gumawa na ng kanta jusko"
Source: Facebook

Ani Whamos, dahil sa ginawa ni MG ay parang nawala ang kanyang respeto para dito. Hindi din daw alam ni Whamos na iyon ang sasayawin ni Antonette pero aniya ay hindi naman isyu sa kanya iyon.

Read also

Merck: "Hindi pangit yung mga sayaw nyo, alam nyo kung ano tawag dun? 'wala sa lugar'"

Katwiran niya, iyon daw ang kaya ni Antonette kaya iyon ang sinayaw niya. Nabanggit din ni MG ang tungkol sa pagpaparetoke ni Antonette na inalmahan ni Whamos. Aniya, kahit siya ay hindi pinakialaman ang ginawang ito ni Antonette.

Kung kaibigan daw talaga silang totoo ni Merck dapat ay kinausap siya at hindi yung tinira siya sa social media.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Whamos Cruz ay isang kilalang TikTok at YouTube content creator at isang social media star. Bukod sa kanyang mga viral video sa social media, nag-viral din ang kanyang pagsali sa Idol Philippines kung saan kinaaliwan siya ng mga judges. Matatandaang nakilala ang dalawa nang umabot sa programa ni Raffy Tulfo ang sumbong ng ina ni Antonette. Kaugnay ito sa pagtira umano ni Antonette kasama si Whamos. Tinutulan ito ng kanyang ina.

Read also

MG, hindi naimbitahan sa birthday ni Meteor: "Hindi ako bitter. Nasaktan lang ako."

Kamakailan ay binahagi ni Antonette ang kanilang mga plano at pangarap para sa kanilang binubuong pamilya ni Whamos. Naniniwala umano siyang mag-iiba ang priority nila ni Whamos kapag lumabas na ang kanilang baby. Aniya, gagawin nila ang kanilang makakaya para maging hands-on parents habang patuloy na nagsusumikap para sa pamilya nila. Inaasahan niya din umano na mas magsisipag si Whamos dahil may anak na sila at maglalaan ito ng oras para sa kanila.

Sa vlog ni Ryan Bang, nakausap at nakapanayam niya sina Whamos at Antonette. Inimbitahan niya ang dalawa sa isa sa kanyang Ducup stores at masayang nakipagkwentuhan sa kanila. Kabilang sa naitanong ni Ryan kay Antonette ay kung bakit nito minahal si Whamos. Naglabas ng kanyang komento si Ryan kaugnay sa naging sagot ni Antonette.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel