Cristy, nabalitaang maaring 'di matuloy ang pag-uwi ni Bimby para mag-artista

Cristy, nabalitaang maaring 'di matuloy ang pag-uwi ni Bimby para mag-artista

- Natalakay ni Cristy Fermin sa Showbiz Now Na! ang minsang na-post ni Kris Aquino tungkol sa anak na si Bimby

- Matatandaang nasabi nitong uuwi si Bimby para mag-artista at makatulong 'di umano sa patuloy na tumataas niyang medical bills

- Gayunpaman, may mga kwento ayon kay Cristy na nagsasabing hindi raw ito matutuloy

- Nasa dalawang taon na umanong nakikipaglaban si Kris Aquino sa kanyang karamdaman at hanggang ngayon ay nasa Amerika para sa kanyang gamutan

Isa sa mga natalakay ni Cristy Fermin sa kanyang Showbiz Now Na! YouTube channel ay ang tungkol sa umano'y nabanggit kamakailan ni Kris Aquino sa anak niyang si Bimby.

Cristy, nabalitaang maaring 'di matuloy ang pag-uwi ni Bimby para mag-artista
Kris Aquino and Bimby (@krisaquino)
Source: Instagram

Naikwento muli ito ni Cristy kung saan, babalik daw umano si Bimby sa Pilipinas para mag-artista, nang sa gayon makatulong sa medical bills ng ina.

Gayunpaman, may nabalitaan umano si Cristy na maaring hindi ito matuloy.

Read also

Cristy, 'di umano sang-ayon sa pagtakbong senador ni Willie: "Nanunumbat, napakamali 'nun"

"Pero ano, meron ding kwento na baka hindi tumuloy si Bimby sa pag- uwi. Kasi, hindi raw siya sanay nang malayo sa kanyang ina. Alam po natin, sa loob ng dalawang taon na si Kris ay nakikipaglaban sa kanyang autoimmune disease, talagang kasama po niya si Kuya Josh at saka si Bimby. Sino ba ang unang-unang makapagbibigay ng pagmamalasakit at pagmamahal sa kanyang ina kundi silang dalawa."

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Kaya baka medyo 50/50. Kung matutuloy, edi salamat. Madadagdagan tayo ng mag-aartista. Kung hindi naman, mas maraming salamat dahil hindi niya mapapabayaan na nandun sa Amerika ang kanyang ina at iintindihin niya ng malayuan," dagdag pa ni Cristy.

Narito ang kabuuan ng kanyang naging pahayag:

Si James Carlos Aquino Yap, Jr. o mas kilala bilang si Bimby ay anak ng tinaguriang 'Queen of all media' na si Kris Aquino at ng basketball player na si James Yap. Matatandaang minsan nang naging child star si Bimby na napanood sa mga pelikulang 'My Little Bossings' at 'The Amazing Praybeyt Benjamin.'

Read also

Cristy Fermin, hindi daw iboboto si Willie Revillame: "Nanunumbat ka, yan ba ang kusang loob?"

Kamakailan, sa kanyang social media post, pinasalamatan ni Kris ang kaibigang sumama sa mga anak na sina Josh at Bimby sa pagpunta ng mga ito sa Disneyland. Tila hindi na ito magawa ni Kris na samahan sa ngayon dahil sa patuloy niyang gamutan.

Samantala, nabanggit din niya ang umano'y pagbabalik Pilipinas ni Bimby matapos ang kanyang kaarawan sa Pebrero 14 dahil sasabak muli ito 'di umano sa pag-aartista. Kailangan na umano nitong magtrabaho gayung patuloy na lumolobo ang kanyang medical bills.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica

Online view pixel