Ogie D sa viral video nina Piolo at Darren: "Wala tayong dapat isipin na masama"

Ogie D sa viral video nina Piolo at Darren: "Wala tayong dapat isipin na masama"

- Nagbigay komento si Ogie Diaz tungkol umano sa viral video nina Piolo Pascual at Darren Espanto kamakailan

- Maraming netizens ang nag-react umano na tila nabigyang malisya ang pagsasayaw ng dalawa kahit marami naman silang iba pang kasama

- Ani Ogie, hindi dapat umano ito naisipan ng masama o ng anumang malisya

- Muling nagiging aktibo si Piolo Pascual sa pag-arte dahil matapos ang kanyang pagsabak sa teatro, balik pelikula naman siya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa sa natalakay nina Ogie Diaz sa kanyang Showbiz Update channel ay ang video kamakailan nina Piolo Pascual at Darren Espanto na umano'y nabigyang malisya.

Ogie D sa viral video nina Piolo at Darren: "Wala tayong dapat isipin na masama"
Piolo Pascual (@piolo_pascual)
Source: Instagram

Sa naturang video, makikitang nagsasayaw sina Piolo at Darren at may mga kasama rin silang iba pa na nagkakasiyahan.

Subalit marami umano ang tila nabigyang malisya ang naturang video lalo na sa tingin umano ni Piolo kay Darren.

Read also

Piolo Pascual, trending dahil sa kanyang todo-bigay na paghataw sa dance floor

"Itong si Darren Espanto at si Papa P. porke natitigan lang ni Papa P si Darren Espanto habang sila ay nagsasayaw... Tapos ayan, binigyan na ng malisya na para raw sa tingin nila e may something," kwento ni Ogie.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Sa akin parang ano 'yan e. Parang anak-anakan nalang 'yan ni Papa P. Si Kyle Echarri nga meron silang movie e. Ibig sabihin 'pag inakbayan ko yung isang artistang gwapo na lalake ay, may pagtatangi na ako. Di ba pwedeng anak-anakan lang?" paliwanag ni Ogie Diaz sa nakunan sa video.

Paalala pa niya, wala umano dapat isipin na masama o malisya sa pagsasayaw ng dalawa lalo na't halos kaedad na lamang ng anak ni Piolo na si Iñigo ang naiintriga sa aktor.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Read also

Julia Montes, naikwentong deaf-mute ang parehong magulang: "growing up, hirap akong mag-express"

Si Piolo Jose Nonato Pascual ay isang actor, singer, model, at producer sa bansa. Kabila-kabila ang mga pelikula niyang pumatok sa takilya tulad nang 'Breakup Playlist' kung saan kasama niya si Sarah Geronimo at 'Starting Over Again' kung saan nakapareha naman niya si Toni Gonzaga.

Samantala, matatandaang minsan nang napabalitang exclusively dating noon sina Shaina at Piolo Pascual. Subalit sa panayam ni Ogie Diaz kay Piolo noong Hunyo ng kasalukuyang taon, nabanggit nitong ilang taon na siyang siyang single at hindi pa umano handang pumasok muli sa isang relasyon.

Nasabi rin niyang, hindi niya prayoridad ngayon ang pakikipagrelasyon lalo na ang paglagay sa tahimik dahil sa dami ng pwede pa niya umanong gawin. Matatandaang pinasok na rin ni Piolo ang mundo ng teatro na para sa kanya, isa umano itong panibagong karangalan gayung mahal niya talaga ang pag-arte. Sa ngayon, isa ang kanyang pelikula niyang Mallari sa kalahok sa 2023 Metro Manila Film festival.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel