Moira Dela Torre, dalawang buwan nang nilisan ang kanilang tirahan ni Jason Hernandez

Moira Dela Torre, dalawang buwan nang nilisan ang kanilang tirahan ni Jason Hernandez

- Mahigit dalawang buwan na raw na nilisan ni Moira Dela Torre ang tahanan nila ni Jason Hernandez ayon sa isang taong malapit sa ex-couple

- Matatandaang gumawa ng ingay ang mag-asawa nang mapabalitang hiwalay na sila

- Ito ay matapos na pagbuburahin umano ni Moira ang mga larawan nila ni Jason sa kanyang mga social media

- Mayo 31 nang maglabas ng pahayag ang dalawa ukol sa napagkasunduan nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mahigit dalawang buwan na nang lisanin ni Moira Dela Torre ang tahanin nila ni Jason Hernandez.

Moira Dela Torre, dalawang buwan nang nilisan ang kanilang tirahan ni Jason Hernandez
Photo: Moira Dela Torre at Jason Hernandez
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI sa report ng TV Patrola na isa umanong tao na malapit sa dalawa ang nagkumpirma nito.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, tatlong taong kasal ang dalawa at 'couple goals' silang maituturing dahil sa mga napagkakasunduang bagay noon.

Read also

Tom Rodriguez, nag-post ng larawan ng dalawang kamay na tila nakawala sa gapos

Kaya naman nang bumungad ang balitang hiwalay na sina Jason at Moira, marami ang nalungkot at nanghinayang

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang Abril ng kasalukuyang taon nang mapabalitang hiwalay na ang dalawa.

Ito ay dahil sa mga social media post ni Moira na wala na umano si Jason.

Noon, nagawa pang pabulaanan ni Jason ang kumakalat na espekulasyon at matapos lamang ang isang buwan,

Sa kanyang pahayag, inamin ni Jason ang pagiging 'unfaithful' niya sa asawa bagay na dapat daw talaga nitong malaman.

Narito ang kabuuan ng ulat ni MJ Felipe ng TV Patrol:

Si Moira Rachelle Bustamante Dela Torre o mas kilala sa kanyang screen name na Moira Dela Torre ay isang Pinay singer-songwriter. Sumikat siya sa kanyang mga song cover ng kanta kagaya ng "Sundo", "Torete" at ang kanyang awiting "Titibo-tibo" na nanalo sa Himig Handog.

Read also

Live Video ni Moira Dela Torre nitong Lunes, muling binalikan ng netizens

Ikinasal siya sa kapwa niya singer-songwriter na si Jason Hernandez noong January 14, 2019.

Sa kanyang pagsasapubliko ng kanilang paghihiwalay ni Moira, marami sa mga fans at tagasuporta ng mag-asawa ang nalungkotat talaga umanong nanghinayang. Sa kanyang Twitter account ay makikita pa ang hugot ni Jason noong nakaraang linggo tungkol sa hindi pagsuko.

Sa ngayon, isa sa pagkakaabalahan ng singer/ songwriter ay ang pagiging isa sa mga mga hurado ng Idol Philippines. Makakasama niya rito sina Gary Valenciano, Regine Velasquez at ang bagong judge nila na si Shito Miranda.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel