Cristy sa palagiang pagbisita ni VG Mark kay Kris: "Meron silang ternong singsing e"

Cristy sa palagiang pagbisita ni VG Mark kay Kris: "Meron silang ternong singsing e"

- Muling natalakay nina Cristy Fermin at kanyang mga kasama sa Showbiz Now Na! ang tungkol sa pagbisita ni VG Mark Leviste kay Kris Aquino

- Kamakailan ay nagbahagi muli ng mga larawan si VG Mark sa pagbisita niya kay Kris na sa Amerika

- Dahil dito, naitanong ni Cristy ang palagay ng kanyang mga kasama sa estado ng relasyon nina Kris At Mark

- Lalo na at mayroon na umanong ternong mamahaling singsing ang dalawa

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Natalakay nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa Showbiz Now Na! ang tungkol sa umano'y palagiang pagbisita ni Vice Governor Mark Leviste kay Kris Aquino sa USA.

Cristy sa palagiang pagbisita ni VG Mark kay Kris: "Meron silang ternong singsing e"
Vice Governor mark Leviste and Kris Aquino (@markleviste)
Source: Instagram

Nalaman ng KAMI na kamakailan, nakumpirma ng marami na tuluyan na talagang bumubuti ang lagay ni Kris Aquino base sa naibahaging post ni VG Mark.

Read also

Kris Aquino, nag-sorry sa mga Batangueño dahil sa oras na ginugugol ni VG Marc Leviste sa kanya

Makikita sa naturang post ang mas masiglang Kris Aquino na nagagawa nang mag-shopping kasama rin ang anak na si Bimby at mga kaibigan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Hindi biro ang bumiyahe ka ng 12 oras mula Pilipinas hanggang LA para makita mo lamang si Kris Aquino na masaya... Mahal niya siguro talaga si Kris," ani Cristy tungkol sa Bise Gobernador ng Batangas.

Kaya naman naitanong niya sa kanyang mga kasama, "Sa palagay mo, sila na? kasi meron silang Cartier ring. Ano sa palagay mo? Meron silang ternong singsing e."

Gayunpaman, walang katiyakan sa kung ano nga ba talaga ang estado ng relasyon ng dalawa lalo na at minsan nang nilinaw ni Kris na magkaibigan lamang sila ni VG Mark.

Samantala, ayon pa kina Cristy, ang mahalaga ngayon ay ang patuloy na paggaling ni Kris dahil umano sa husay ng mag-amang Indian doctors na siya umanong nakatuklas ng malaking porsyento ng sa kung anuman ang dinaramdam ng tinaguriang Queen of All Media.

Read also

Gladys Reyes, hanga kay Barbie Forteza: "Talagang sinasaktan ko siya, totoong sampal"

Si Kris Aquino ay nakilala bilang isang aktres at TV host sa bansa bukod sa pagiging anak ng namayapang pangulong Corazon Aquino at kapatid namang ng isa ring naging pangulo ng bansa na si Ninoy Aquino.

Matatandaang sa isang episode ng YouTube channel na Showbiz Now na! masayang ibinalita ni Cristy Fermin ang tungkol sa pagsadya ni Kris Aquino kay Dr. Suhir Gupta na isa umanong kilalang doktor gayung mga sikat at prominenteng tao sa buong mundo ang kumukunsulta sa kanya.

Ito ay dahil subok na umano ang husay at galing nito na siyang inaasahang makakatulong sa tuluyang paggaling ni Kris Aquino. Sa ngayon, nasa Amerika pa rin ang tinaguriang 'Queen of all media' at dahil sa pagtuklas umano ng sakit nito dahil kay Dr. Gupta, umaasa umano ang marami na makababalik ito sa bansa ngayong taon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel