Cristy sa umano'y nabentang kotse ni Daniel: "Kay Kathryn lang pala ang perang 'yun"

Cristy sa umano'y nabentang kotse ni Daniel: "Kay Kathryn lang pala ang perang 'yun"

- Nakasagap umano si Cristy Fermin ng impormasyon tungkol sa nabentang sasakyan umano ni Daniel Padilla

- Taliwas sa lumabas na balitang pagma-may-ari ito ng KathNiel, pera lamang umano ni Kathryn ang ipinambili nito noon

- Sinasabing isinasauli ito ni Daniel subalit hindi raw ito basta tinanggap ng dating nobya

- Isa lamang ito sa mga kontrobersiyang lumabas buhat nang kumpirmahin ng KathNiel ang kanilang hiwalayan noong Nobyembre ng 2023

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Isa umanong source ni Cristy Fermin ang nagbigay impormasyon sa kanya ukol sa nabentang mamahaling sasakyan ni Daniel Padilla.

Cristy sa umano'y nabentang kotse ni Daniel: "Kay Kathryn lang pala ang perang 'yun"
Kathryn Bernardo and Daniel Padilla (@supremo_dp)
Source: Instagram

Ayon umano sa source ni Cristy, hindi sa KathNiel ang naturang sasakyan.

"'Di ba ang nagsasabi 'nung nagbibenta 'nun, 'yung ahente, magkasosyo sila ni Kathryn Bernardo doon sa kotse. Mali pala ang kwento na kumalat. Isang source na nanununog at hindi nangunguryente."

Read also

Cristy, dumepensa kay Kathryn: "wag pong pagbintangan na nagwawala, nagwawalwal"

"Kay Kathryn lang pala ang perang 'yun," ani Cristy na ibinahagi ang nalaman mula sa kanya umanong source. Nabili umano ito ni Kathryn sa isang vlogger kaya't second hand na rin ito nang kanyang makuha."

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

"Gustong-gusto raw kasi ni Daniel 'yung stingray C7. Pero wala siyang nakahanda na pambili. Nag-abono kumbaga si Kathryn Bernardo. At nito nga pong ibinibenta na, ibinabalik ni Daniel 'yung kotse."
"Kaya ibinenta, pera ang sinabi ni Kathryn na aanhin ko 'yung sasakyan? 'Di ko naman magagamit 'yan? 'Yung perang ginugol ko diyan, yun ang ibalik mo sa akin. So binayaran niya si Kathryn."

Ayon pa kina Cristy, paninindigan nila ang impormasyong ito.

"So ayan po, malinaw po ito at paninindigan po natin ito lalo na ni Romel Chika. Dahil ito po ay first hand na ano ito e, na information. Mula mismo sa loob ito."

Read also

Ogie Diaz, 'napanaginipang' magpapakasal umano sina Carlo at Charlie: "Pero secret marriage"

"Kaya pala kailangan talaga, pera ang ibalik kasi siya naman pala ang bumili. 'At habang sila ay magkarelasyon, hindi niya sinisingil"

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa kanilang Showbiz Now Na! YouTube channel:

Si Kathryn Bernardo ay isang aktres na unang nakilala sa mundo ng showbiz nang gumanap siya bilang ang batang Cielo sa Kapamilya teleseryeng "It Might Be You". Kinalaunan ay naipareha siya kay Daniel Padilla at nakilala ang tambalan nila bilang "KathNiel."

At noong Nobyembre 30 sa natapos na taong 2023, halos sabay na kinumpirma nina Kathryn at Daniel ang kanilang paghihiwalay na matagal nang naging bali-balita bago pa man ipalabas ang pelikula ni Kathryn na A Very Good Girl. Sa pamamagitan ng kani-kanilang post, naglahad ng saloobin ang dalawa upang ipaunawa lalo na sa kanilang mga fans ang parehong desiyon na mayroon pa rin umanong respeto at pagmamahal.

Minsan namang napuri ni Cristy ang umano'y maayos pa rin na pakikitungo nina Daniel at Kathryn sa isa't isa sa tuwing may pagkakataong sila ay magkakasama sa isang event. Very professional umano ang dalawa na maayos umanong nadadala ang kanilang hiwalayan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel