Ogie Diaz, ibinahagi na 'di apektado sina Lolit Solis at Cristy Fermin sa kanilang bashers

Ogie Diaz, ibinahagi na 'di apektado sina Lolit Solis at Cristy Fermin sa kanilang bashers

- Nakapanayam ni Ogie Diaz sina Lolit Solis at Cristy Fermin at hiningi nito ang kanilang reaksyon tungkol sa kanilang mga bashers

- Tila hindi apektado ang mga ito sa ibinabatong komento ng ilang netizens sa kanila umanong pagiging "Marites" o "Mosang"

- Pakiusap din ng dalawa na tigilan na sila sa pagba-bash at kahit ano pa man umanong ibato sa kanila, patuloy pa rin sila sa kanilang ginagawa

- Ayon pa kay Lolit, pakiramdam niya'y silang dalawa ang umano'y nabu-bully ng kanilang bashers

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakapanayam ni Ogie Diaz ang sinasabi ng mga netizens na leader umano ng mga "Marites" na sina Lolit Solis at Cristy Fermin.

Nalaman ng KAMI na naitanong ni Ogie sa dalawang batikang showbiz reporters at writers ang patungkol sa kanilang reaksyon sa mga bashers.

Read also

Ogie Diaz, naibahaging inalok na maging bahagi ng sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA

Naikwento kasi ni Ogie na sa fan-based group na "Mga tsismosang Kapitbahay" ay madalas na mapag-usapan ang dalawa.

Ogie Diaz, ibinahagi ng 'di apektado sina Lolit Solis at Cristy Fermin sa kanilang bashers
Ogie Diaz (Photo from Ogie Diaz YouTube channel)
Source: Facebook

"Nakakaloka, kahit anong sabihin namin!" panimula ni Cristy sa kanyang reaksyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Nag-aaksaya sila ng oras para mairita sa amin? Kaloka naman kayo. Jusko, walang magawa? walang magawa sa buhay?" bungad naman ni Lolit.

Cristy: "Pag nagutom kami bukas, kayo bibili ng bigas namin pag nagutom kami"

Lolit: "Wag na kayong magalit sa'min. Kahit anong galit ang gawin niyo, ganun pa rin mukha namin, magaganda pa rin"

Ang ipinagtataka lamang umano ng dalawa ay kung bakit galit na galit umano ang mga haters nila sa kanila subalit nagagawa pa rin daw umano ng mga ito na panoorin at subaybayan ang kanilang mga programa at nasusulat.

Read also

McCoy de Leon at Elisse Joson, ibinahagi ang nakakatuwang family picture nila

"Saka di ba pag galit ka, iiwasan mo 'yun 'di ba? Ba't sinusundan nila kami?" pahayag ni Lolit.

Dahil daw dito, pakiramdam ni Lolit na silang dalawa ni Cristy ang umano'y nabu-bully.

"'Di lang kami patalo sa bullying nila, pero balak talaga nilang i-bully kami," dagdag pa ng beteranang entertainment columnist.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel