Ogie Diaz, naibahaging inalok na maging bahagi ng sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA

Ogie Diaz, naibahaging inalok na maging bahagi ng sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA

- Ikinuwento ni Ogie Diaz na siya ay inalok umano ni Direk Bobot Mortiz na maging bahagi ng sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA

- Nagpapasalamat naman siya sa dalawa sa pag-konsiderada ng mga ito sa kanya ngunit ito pa rin ay kanyang tinanggihan

- Matatandaang makailang beses na sinabi ni Ogie na mananatili siyang Kapamilya sa kabila ng kawalan niya ng programa sa istasyon

- Paglilinaw niya, binibigyan din siya ng proyekto ng ABS-CBN subalit tinanggihan niya ito dahil sa lock-in taping

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pinakabagong showbiz update ni Ogie Diaz, naikwento nitong inalok siyang maging bahagi ng bagong sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA na 'Happy ToGETher."

Nalaman ng KAMI na mismong ang direktor ng programa na si Direk Bobot Mortiz at John Lloyd Cruz ang nagsabi sa kanya subalit tinanggihan niya ito.

Read also

Ogie Diaz, ibinahagi na 'di apektado sina Lolit Solis at Cristy Fermin sa kanilang bashers

Ogie Diaz, naibahaging inalok na maging bahagi ng sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA
Ogie Diaz (Photo Ogie Diaz YouTube channel)
Source: Facebook
"Inalok nga sa'kin ni Direk 'yan. Hindi ko lang alam kung same kwento o nag-iba na ng kwento dahil hindi nila nakuha 'yung iba nilang cast."

Paliwanag pa ni Ogie, kalahati ng cast ay mangggaling sa GMA habang ang iba naman ay personal choice ni John Lloyd Cruz at karamihan sa mga ito ay mula sa dati rin niyang sitcom sa ABS-CBN.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si John Lloyd din kasi umano ang creative consultant ng kanilang palabas kaya naman isa rin si Ogie sa mga napili nito na maging bahagi pa rin sana ng kanyang bagong sitcom.

Kaya naman labis ang pasasalamat ni Ogie sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng mga dati niyang nakatrabaho.

"Kaya sobra akong thankful kina Direk Bobot sakay kay John Lloyd kasi kino-consider nila ako."

Read also

Vilma Santos, inalala ang pagtusok sa kanya ng perdible ng hater

"Kaya lang nga, alam niyo na 'di ba? Gusto ko pa ring maging Kapamilya. Sobra 'yung puso ko sa pagiging Kapamilya"

Taliwas sa pag-aakala ng iba na wala umanong programa si Ogie sa ABS-CBN, nilinaw niyang binibigyan naman siya ng proyekto ng nasabing network subalit siya ang pansamantalang tumanggi muna.

"Binibigyan ako ng work ng Kapamilya, ako lang tumatanggi. Dahil una, ayaw ko ng lock in. Kasi gusto ko parin na nakikita 'yung pamilya ko. Gusto ko pa rin hawak ko 'yung oras ko," paliwanag ni Ogie.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag na mula sa YouTube channel niyang Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel