Ogie Diaz, nagulat din sa rebelasyon ng 'McLisse': "Di naman kami ganun ka-talas"

Ogie Diaz, nagulat din sa rebelasyon ng 'McLisse': "Di naman kami ganun ka-talas"

- Binati ni Ogie Diaz ang tambalang 'McLisse' sa rebelasyon nilang may baby girl na pala sila

- Wala raw kasing nakakaalam na nakapanganak na pala si Elisse na maging siya ay natanong kung matagal na niya itong alam

- Aminado si Ogie na hindi sila ganoong 'katalas' at maging sila ay nagulat sa rebelasyon ng dalawa nang kunin nilang ninong si 'Kuya' ng PBB para sa kanilang anak na si Felize

- Gayunpaman, marami naman ang natuwa para sina McCoy at Elisse lalo na at super cute ng kanilang baby girl

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa si Ogie Diaz sa mga bumati kina McCoy De Leon at Elisse Joson ng 'McLisse' matapos nilang isa-publiko na mayroon na pala silang baby Girl.

Nalaman ng KAMI na marami ang namangha sa dalawa na nagawang itago ang pagdadalang-tao ni Elisse hanggang sa maipanganak niya si 'Felize McKenzie.'

Read also

Mommy ni McCoy de Leon, sinabing aprub na sa kanya ang relasyon ng anak at ni Elisse

Ogie Diaz, isa rin sa nagulat na may anak na ang 'McLisse': "Di naman kami ganun ka-talas"
Elisse Joson with Baby Felize (Photo courtesy of Elisse Joson)
Source: Instagram

Marami rin daw ang nagtanong kay Ogie D kung matagal na ba nilang alam na may baby girl na pala ang 'McLisse'. Ngunit aminado si Ogie na maging sila ay nasurpresa sa rebelasyon ng tambalan sa 'Bahay ni Kuy' kung saan kinuha pa nilang ninong si Big Brother ni Felize.

"Nagtatanungan ang mga Mosang at Maritess sa amin, nabalitaan niyo ba 'yun? Edi syempre hindi rin naman kami ganoon katalas,

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Alangan namang sabihin namin sa inyo na 'ay hindi! matagal na po naming alam na may anak ang McLisse. Hindi lang po kami kumibo. O ayaw naman nating ganon ang palabasin natin e 'di rin naman natin alam ano" pahayag ni Ogie.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Ogie Diaz Showbiz Update:

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

Read also

Miss Glamour PH, 'di pa rin nakababalik sa bansa: "Alam ko po na naghihintay kayo ng balita"

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa kanyang YouTube channel na "Ogie Diaz" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad.

Ipinapaalala lamang ng KAMI na sa kabila ng kalayaan ng bawat isa sa pagbibigay ng komento o opinyon, lagi pa ring isaalang-alang ang pagrespeto sa kapwa. Tandaan, na sa bawat binibitawang pahayag, mayroon itong kaakibat na pananagutan at responsibilidad.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel