Mommy ni McCoy de Leon, sinabing aprub na sa kanya ang relasyon ng anak at ni Elisse

Mommy ni McCoy de Leon, sinabing aprub na sa kanya ang relasyon ng anak at ni Elisse

- Sa bagong vlog ni Elisse Joson, nakasama niya ang mommy ni McCoy de Leon

- Naglaro sila ng "Who knows McCoy Better Challenge" kung saan nagpagalingan sina Elisse at mommy ni McCoy sa pagsagot sa mga tanong tungkol sa kanya

- Sa bandang huling bahagi ng video ay naitanong ng ina ni McCoy kung mahal daw ba talaga ni Elisse ang anak niya

- Naitanong naman ni Elisse kung aprub na ba sa ina ni McCoy ang relasyon nila ng kanyang anak na sinagot naman nitong "approved na"

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakasama ni Elisse Joson ang ina ni McCoy de Leon sa kanyang vlog. Naroroon din ang ama ni McCoy na kumukuha ng video sa kanila. Si McCoy naman ang nagtatanong sa dalawa at sasagutin nila ito upang malaman kung sino ang higit na mas nakakakilala kay McCoy.

Read also

Heaven Peralejo, umalma nang mapagkamalang siya ang babaeng niyakap ni Kimpoy Feliciano

Mommy ni McCoy de Leon, sinabing aprub na sa kanya ang relasyon ng anak at ni Elisse
McCoy de Leon at Elisse Joson (@mccoydeleon)
Source: Instagram

Kailangang uminom ang sinuman sa kanilang mali ang sagot. Bilang mas matagal na nakasama ang anak, mas lamang ang ina ni McCoy.

Sa huling bahagi ng video ay nagtanong sina Elisse at mama ni McCoy sa isa't-isa.

Naitanong nito kay Elisse kung talaga bang mahal nito si McCoy.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, naitanong ni Elisse sa ina ni McCoy na tinatawag niyang tita kung aprub na daw ba sa kanya ang relasyon nila ni McCoy na sinagot naman nito ng "approved na." Sa huling bahagi ng video ay makikitang kasama na nila si McCoy.

Matatandaang kamakailan lang nang isapubliko ng dalawa ang tungkol sa kanilang baby na kanilang pinangalanang Felize. Nangyari ang rebelasyon nila nang magpunta sila sa PBB house upang sabihin kay Big Brother ang tungkol dito.

Si McCoy de Leon ay unang nakilala bilang miyembro ng grupong Hashtags ng noontime show na "It's Showtime". Naging bahagi din siya ng isang edisyon ng "Pinoy Big Brother" na naging daan para mas makilala siya at maipareha sa aktres na si Elisse Joson.

Read also

Jennylyn Mercado, walang kinaiinisan kay Dennis Trillo: "Tinanggap ko nalang"

Nabuo ang tambalang McLisse nang sumali sila parehas sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong 2016.

Kaya naman lalong dumami ang mga proyektong ginawa nilang magkasama. Sa katunayan, isang 5-storey building ang napundar ni McCoy. Nagkaroon din siya ng negosyo sa Dapitan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel