Heaven Peralejo, umalma nang mapagkamalang siya ang babaeng niyakap ni Kimpoy Feliciano

Heaven Peralejo, umalma nang mapagkamalang siya ang babaeng niyakap ni Kimpoy Feliciano

- Matapos ilabas ni Kimpoy Feliciano ang ilang pictures niya kasama ang mga kaibigan at aktres na si Heaven Peralejo, naging usap-usapan ang dalawa

- Isang showbiz news site ang inakalang si Heaven ang babaeng niyakap ni Kimpoy dahil hindi rin masyadong naaninag ang mukha

- Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi ni Heaven ang post at nakalagay ang mga katagang "Marites, u had one job"

- Agad namang humingi ng dispensa ang naturang showbiz news site kasunod ng pagpost ni Heaven

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Tila hindi tinitigilan ng intriga si Heaven Peralejo. Sa kabila ng kanyang pananahimik kaugnay sa isyu ng hiwalayan nila ni Kiko Estrada, muling naging maingay ang pangalan ni Heaven.

Heaven Peralejo, umalma nang mapagkamalang siya ang babaeng niyakap ni Kimpoy Feliciano
Heaven Peralejo (@heavenperalejo)
Source: Instagram

Ito ay matapos ilabas ni Kimpoy Feliciano ang ilang pictures niya kasama ang mga kaibigan. Inakala ng karamihan na si Heaven ang babaeng niyakap ni Kimpoy sa kanyang ibinahaging litrato.

Read also

TikTok video ni Xian Lim kasama si Julia Barretto, agad na nag-viral

Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi ni Heaven ang post at nakalagay ang mga katagang "Marites, u had one job." Agad namang humingi ng dispensa ang naturang showbiz news site kasunod ng pagpost ni Heaven.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Heaven Peralejo ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 kung saan nakilala siya sa bansag na Mommy's Angel of Makati. Pamangkin siya ng mga dating aktres na sina Rica Peralejo at Paula Peralejo. Minsan na siyang naiugnay sa anak Nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel.

Gayunpaman, nagkahiwalay silang dalawa matapos nilang aminin ang kanilang relasyon noong 2019. Samantala, ipinagtanggol ni Jimuel si Heaven kaugnay sa lumabas na isyu at sinabing walang katotohanan na binigyan umano ng kanyang ina ng pera si Heaven.

Read also

Kimpoy Feliciano sa larawang kasama si Heaven Peralejo: "Magkaibigan kami ni Heaven"

Naging usap-usapan din ang relasyon ng aktres sa aktor na si Kiko Estrada. Matapos linawin ni Kiko na hindi si Heaven ang 3rd party sa hiwalayan nila ng dating kasintahang si Devon Seron, mas naging bukas sila sa pagpost ng kanilang mga pictures.

Muli lang silang naitriga matapos mapansin ng mga netizens na hindi na naka-follow si Kiko sa IG account ni Heaven. Burado na rin lahat ng ibinahaging pictures ni Kiko sa kanyang Instagram kung saan kasama niya ang aktres. Kamakailan lang din nang aminin ni Heaven na single na siya ngunit hindi pa umano ready to mingle.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel