TikTok video ni Xian Lim kasama si Julia Barretto, agad na nag-viral

TikTok video ni Xian Lim kasama si Julia Barretto, agad na nag-viral

- Hindi pa man lumagpas ng 24 oras ay mahigit 1 milyon na ang views ng TikTok video ni Xian Lim kung saan kasama niya si Julia Barretto

- Pumalo na sa 1.3 million views ang video na ito kung saan sumasayaw silang dalawa

- Marami rin ang nakapansin na maganda pala umano ang chemistry ng dalawa

- Hindi naman maiwasan ng ilang netizen na banggitin si Kim Chiu na siyang kasalukuyang kasintahan ni Xian

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Pumalo sa 1.3 million views ang TikTok video na ibinahagi ni Xian Lim sa kanyang TikTok account. Kasama niya si Julia Barretto sa naturang video kung saan sumasayaw sila. May mga netizens naman na nakapansin sa umano'y chemistry nilang dalawa.

TikTok video ni Xian Lim kasama si Julia Barretto, agad na nag-viral
Julia Barretto (@juliabarretto)
Source: Instagram

Hindi naman maiwasang mabanggit ang pangalan ni Kim Chiu na kasalukuyang kasintahan ni Xian Lim. Ang kasalukuyang boyfriend naman ni Julia ay ang ex-boyfriend ni Kim na si Gerald Anderson.

Read also

Heaven Peralejo, umalma nang mapagkamalang siya ang babaeng niyakap ni Kimpoy Feliciano

Kasalukuyang may ginagawang pelikula sina Xian at Julia kasama si Marco Gumabao. Narito ang reaksiyon ng mga netizens:

In fairness may chemistry pala silang dalawa noh? Sana kung wala lang mga intriga, mukhang maganda ang tandem nila. Sana maisip ng fans na trabaho lang yan. Goodluck po sa lahat ng cast at bahagi ng movie na Bahay na Pula!

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Naalala ko tuloy nong nagkasama sina Julia at Xian sa PMPC Star Awards 2018. Nagbiro pa siya kung Kuya o Tito ang itatawag kay Xi. Ngayon kasama niya na sa pelikula.
Sana ma-appreciate ng tao ang talent ni Julia regardless sa mga nangyari. Tutal naman mukhang masasaya na silang lahat at nakapag move on na. Parang mahilig din mag cancel ang mga Pinoy kagaya sa South Korea.

Read also

Matteo Guidicelli, pinakita ang sosyaling Christmas tree nila ni Sarah Geronimo

Si Julia Barretto ay aktres na nagmula mula sa angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz. Anak siya ni Dennis Padilla at ng batikang aktres na si Marjorie Barretto. Pamangkin siya nina Claudine at Gretchen Barretto.

Sa kabila ng mga negatibong reaksiyon ng mga netizens, ibinahagi kamakailan ni Vicki Belo ang litrato nila ni Hayden kasama sina Gerald at Julia.

Para naman kay Gerald, pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik nang aminin ang tungkol sa relasyon nila ni Julia.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel