Miss Glamour PH, 'di pa rin nakababalik sa bansa: "Alam ko po na naghihintay kayo ng balita"

Miss Glamour PH, 'di pa rin nakababalik sa bansa: "Alam ko po na naghihintay kayo ng balita"

- Nagbigay na ng update ang pambato ng Pilipinas na si Gianna Llanes patungkol sa mga kaganapan sa Miss Glamour International sa Mexico

- Aniya, nasa maayos naman silang kalagayan kasama ng anim na mga kandidata

- Isa umanong magulang ng kapwa niya candidate ang nagmamalasakit ngayon sa kanila gayung hindi pa rin sila makauwi sa kani-kanilang bansa

- Kinumpirma na rin ni Gianna na wala nang coronation night na magaganap sa Miss Glamour International 2021

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Nagbigay update na si Gianna Llanes ang pambato ng Pilipinas sa Miss Glamour International 2021 sa Mexico.

Nalaman ng KAMI na nito lamang Nobyembre 7, naglabas ng post si Gianna patungkol sa pageant na hindi na matutuloy pa.

Miss Glamour PH, 'di pa rin nakababalik sa bansa: "Alam ko po na naghihintay kayo ng balita"
Miss Glamour Philippines, Gianna Llanes (Gianna Margarita Llanes)
Source: Facebook

Hindi pa man ibinibigay ni Gianna ang kabuuan ng detalye kung bakit hindi ito natuloy kaya naman mas lalong nag-alala ang mga Pinoy na sumusuporta sa mga pagenat na tulad nito.

Read also

Babaeng limang beses naging third party, matapang na binahagi ang natutunan

Lalo pang nakadagdag sa pag-aalala ng mga kababayan natin ay nang sabihin ni Gianna na nais na lamang niyang makauwi sa bansa sa lalong madaling panahon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sinusubukan ko na rin pong umalis dito sa madaling panahon. Pagkalabas ko ng bansa, doon na po ako makakasalita.

Sa kanyang update ngayong Nobyembre 8, sinabi ni Gianna na maayos ang kalagayan nilang anim na iba pang mga kandidata at marami ang tumutulong sa kanila roon.

Alam ko po na naghihintay kayo ng balita. Wag kayong magalala, ligtas po kaming anim. Inaalagaan po ako ng mga magulang ng isang kandidata dito

Kinumpirma na rin niyang wala na talagang mgaganap na Coronation ng kauna-unahang Miss Glamour International.

Tulad ng nauna niyang nasabi, magsasalita na lamang umano siya 'pag nakabalik na siya sa bansa.

Read also

Jake Cuenca, nabisita na ang rider na nadaplisan ng bala sa car chase sa kanya

Ang Miss Glamour International ngayong taon ay unang edition pa lamang sana ng naturang pageant.

Sa umpisa'y maayos naman umano ang itinatakbo ng pre-pageant activities tulad ng pagkumpirma ng ating pambato na si Gianna Llanes. Nilarawan pa nga niya itong "absolutely amazing."

Kaya naman marami ang nagtaka sa biglaang pagkakahinto nito sa hindi pa malamang kadahilanan.

Ganoon din ang sinapit ng Miss Universe UAE kung saan kalahok ang dating PBB housemate na Franki Russel. Inanunsyo mismo ng Miss Universe UAE Organization na kanselado ang coronation night dahil umano sa kakulangan ng oras.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel