Jake Cuenca, nabisita na ang rider na nadaplisan ng bala sa car chase sa kanya

Jake Cuenca, nabisita na ang rider na nadaplisan ng bala sa car chase sa kanya

- Nabisita at nakumusta na ni Jake Cuenca ang delivery rider na nadaplisan ng bala sa car chase sa kanya

- Matatandaang hinabol siya ng pulisya sa pag-aakalang mayroon itong ipinagbabawal sa kanyang sasakyan na dalawang beses pa umanong hinalughog

- Pinaputukan ang kanyang sasakyan na nagdulot sa kanya ng labis na takot lalo na at tumama ito malapit sa gasolina

- Ito rin ang dahilan kung bakit tinamaan umano ng bala ang delivery rider na kasalukuyan pa rin na nagpapagaling

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nabisita na at nakumusta ni Jake Cuenca ang delivery rider na nakilala na rin niya na si Eleazar Martinito.

Matatandaang si Eleazar ang delivery rider na nadaplisan ng bala nang masangkot sa car chase si Jake noong Oktubre 10.

Jake Cuenca, nabisita na ang rider na nadaplisan ng bala sa car chase sa kanya
Jake Cuenca (@juancarloscuenca)
Source: Instagram

Sa kanyang Instagram post, makikitang nakaratay at nagpapahinga pa rin si Eleazar nang bisitahin siya ni Jake.

Read also

EB Dabarkads, naluha habang ikinikwento ni Boobay ang kanyang pagsubok noong 2016

Masaya ako na nagkaroon ako ng pagkakataon na madalaw si eleazar martinito ang grab driver na nasaktan sa isang insidenteng hindi ko malilimutan

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang tinutukoy na insedente ni Jake ay nang habulin siya ng pulisya sa pag-aakalang may ipinagbabawal sa loob ng kanyang sasakyan.

Taos pusong pasasalamat sa mga pulis na tumulong sa iyo at naging tulay para makilala kita.Labis ang aking pasasalamat sa Panginoong Diyos na nasa maayos kang kalagayan kasama ang iyong pamilya. Hangad ko ang iyong patuloy na kaligtasan at nawa’y makabalik agad sa iyong trabaho

Nang makapanayam ng ABS-CBN News si Jake ilang araw matapos ang insidente, isa sa mga naipangako niya ay ang pag-alam sa kinaroroonan ng delivery rider upang ito ay makumusta at nagawa na nga niya ito ngayon.

Si Jake Cuenca ay isang actor, model, at endorser sa Pilipinas. Siya ang boyfriend ng beauty queen at aktres na si Kylie Verzosa.

Read also

Boobay, naiyak nang inalala ang pagtulong ni Marian Rivera sa kanya noong 2016

Kamakailan, gumawa ng ingay sa social media ang pangalan ni Jake sa umano'y pagbangga nito sa sasakyan ng pulis habang hinahabol siya ng mga nakasibilyang awtoridad.

Isa sa mga agad na dumepensa sa kanya ay ang matalik na kaibigan na si Paulo Avelino na siyang pupuntahan sana niya noong gabi na naganap ang insidente.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel