Xian Gaza, binanggit si Barbie Imperial sa kanyang bagong post

Xian Gaza, binanggit si Barbie Imperial sa kanyang bagong post

- Binanggit ni Xian Gaza si Barbie Imperial sa kanyang Facebook post ngayong araw

- Kasunod ito ng pag-viral ng video ng umano'y gulong kinasangkutan ng aktres sa isang bar

- Kamakailan lang ay naipost pa ni Xian ang picture ni Barbie na kasuot ng kanyang Holloween costume

- Samantala, wala pa ring nilalabas na pahayag si Barbie Imperial at ang Viva artist na si Debbie Garcia

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa post ni Xian Gaza ay nabanggit niya ang pangalan ni Barbie Imperial na umano ay "natagpuang qiqil much sa Quezon City." Ito ay sa gitna ng paglabas ng CCTV footage ng umano'y gulong kinasangkutan ng aktres sa isang bar.

Xian Gaza, binaggit si Barbie Imperial sa kanyang bagong post
Xian Gaza, binaggit si Barbie Imperial sa kanyang bagong post (@facebook.com/christianalbertgaza)
Source: Facebook

Sa lumabas na ulat ng entertainment columnist na Rey Pumaloy sa Abante, sina Barbie umano at ang Viva artist na si Debbie Garcia ang nasa CCTV footage na kumakalat kung saan inaawat ang dalawa matapos magpang-abot at magka-pisikalan.

Read also

Cristy sa mga nagsasabing 'pambansang paawa' si Andrew Schimmer; "Nakakalungkot"

Dahil sa nangyari ay inireklamo umano ni Debbie si Garcia. Gayunpaman, wala pang nilalabas na pahayag ang magkabilang kampo kaugnay sa isyu.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Samantala, kamakailan lang din nang ibahagi ni Xian ang picture ni Barbie at pabiro nitong sinabi na natatakot siya at baka ma-fall kay Barbie. Kalakip ito ng picture ng aktres na nakasuot ng kanyang Holloween costume.

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam.

Kamakailan ay nabanggit ni Xian si Dennis Padilla sa kanyang Facebook post na agad na nag-viral. Isang prangkang mensahe ang nilabas nito para kay Dennis tungkol sa Father's Day greetings. Ayon kay Xian, hindi dapat hinihingi sa mga anak ang ganoong pagbati. Aniya, hindi dapat umasa ng pagbati mula sa mga anak lalo na “kung wala kang kwentang tatay."

Read also

RR sa naging isyu ni Robi Domingo; "He handled it in a classy way"

Kasunod ng pag-viral ni Ella Cruz kaugnay sa kanyang pahayag tungkol sa "history," nag-post si Xian ng screenshot ng art card na naglalaman ng naging pahayag ni Ella. Kalakip din sa kanyang post ang kanyang picture na nagpapakita ng gulat na reaksiyon niya. Agad na umani ng reaksiyon at komento ang post na ito ni Xian.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel