Xian Gaza, pinost conversation sa kaibigan ni Awra Briguela: “Mabuti siyang tao”

Xian Gaza, pinost conversation sa kaibigan ni Awra Briguela: “Mabuti siyang tao”

- Si Xian Gaza ay nag-post ukol sa kontrobersya ni Awra Briguela, na kamakailan ay inaresto ng pulis dahil sa pakikipag-rambulan sa Makati

- Inupload ni Xian ang screenshot ng conversation niya sa isa sa mga kaibigan ni Awra

- Malaki na umano ang pinagbago ni Awra kung ikukumpara sa noong nagsimula ito sa showbiz industry, ayon sa kaibigan ng aktor

- Ayon naman kay Xian, hindi raw masamang tao si Awra at nagkamali lamang ito sa pagkakataong iyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post muli si Xian Gaza ukol sa kontrobersya ni Awra Briguela, na kamakailan ay inaresto ng pulis dahil sa pakikipag-rambulan sa Bolthole Bar sa Poblacion, Makati.

Xian Gaza
Christian Albert Gaza
Source: Facebook

Ipinakita ni Xian ang screenshot ng conversation niya sa isa sa mga kaibigan ni Awra na nakatrabaho pa umano nito sa ‘Ang Probinsyano.’

Read also

Xian Gaza, naglabas ng CCTV footage mula sa 'The Bolthole Bar'

Ayon sa kaibigan, malaki na umano ang pinagbago ni Awra kung ikukumpara sa noong nagsimula ito sa showbiz industry.

Hiling ng kaibigan na makalaya na si Awra at matuto ito sa insidente. Sinagot naman ni Xian ang kaibigan ni Awra at sinabing hindi masamang tao si Awra at nagkamali lamang ito sa pagkakataong iyon.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Xian Gaza
Xian Gaza, pinost conversation sa kaibigan ni Awra Briguela: “Mabuti siyang tao”
Source: Facebook

Ayon sa report ng Southern Police District (SPD), pinapahubad daw ni Awra ang pantalon ng isang lalake sa bar na nagngangalang Mark. Nang hindi pumayag si Mark, naging agresibo umano si Awra at nagwala raw.

Sa kabilang panig naman, sinasabi ng mga kaibigan ni Awra na inaway ng aktor si Mark Christian dahil sa pangmo-molestya umano nito sa babaeng kaibigan nila habang nasa loob sila ng bar.

Si Awra Briguela ay unang nakilala matapos mag-viral sa social media ang kanyang videos. Kasunod nito nakapasok siya sa mundo ng showbiz sa tulong nina Vice Ganda at Coco Martin na nagbigay sa kanya ng mga magagandang oportunidad sa showbiz. Naging bahagi siya ng FPJ's Ang Probinsyano at mga pelikula ni Vice Ganda kagaya ng The Super Parental Guardians.

Read also

Awra Briguela, next week pa raw makakapag-piyansa ayon sa pahayag ng SPD

Sa nakaraang report, binahagi ni Awra ang kanyang karanasan nang manood siya ng UAAP women’s volleyball sa MOA Arena. Aniya, habang marami ang nagpapa-picture ay agad na gumalaw ang mga taong kumuha ng cellphone niya. Naibahagi niya pa ang location ng kanyang cellphone at nakiusap kung pwedeng ibalik na lamang ito dahil hindi naman na umano mapapakinabangan ang cellphone sakaling ma lock na ito.

Pinagtanggol din ni Awra si Donnalyn Bartolome sa gitna ng nararanasan nitong pambabatikos. Kaugnay ito sa kanyang "kanto-style" birthday party na binahagi ni Donnalyn kamakailan sa YouTube. Sa panayam ni MJ Marfori, sinabi ni Awra na nalulungkot siya na nais lang naman umano balikan ni Donnalyn kung paano siya mag-celebrate ng kaarawan niya noong walang-wala pa siya. Nilinaw niya rin na ang kanin na ginawang cake ay hindi idea ni Donna kundi napag-tripan lang siya ng kanyang mga kaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel