Diwata, ibinida ang message sa kanya ni Vice Ganda matapos nitong magpadala ng regalo kay Diwata

Diwata, ibinida ang message sa kanya ni Vice Ganda matapos nitong magpadala ng regalo kay Diwata

- Ibinida ni Diwata ang message ni Vice Ganda para sa kanya matapos nga nito magpadala ng regalo para kay Diwata

- Sa screenshot ng message ni Vice na binahagi ni Diwata, sinabi nito na masaya siya sa pagbabago sa buhay ni Diwata

- Ani Vice Ganda, ipagpatuloy lang ni Diwata ang paglaban ng patas at nakasuporta lang si Vice Ganda sa kanya

- Matatandaang pinadala ni Vice Ganda ang mga bagong upuan, mesa at tent na maaring gamitin sa paresan ni Diwata

Nagpamalas ng kasiyahan si Diwata matapos ibahagi ang mensahe na ipinadala sa kanya ni Vice Ganda kasunod ng pagbibigay nito ng regalo para sa kanya.

Diwata, ibinida ang message sa kanya ni Vice Ganda matapos nitong magpadala ng regalo kay Diwata
Diwata, ibinida ang message sa kanya ni Vice Ganda matapos nitong magpadala ng regalo kay Diwata
Source: Facebook

Sa isang screenshot ng mensahe mula kay Vice Ganda na ibinahagi ni Diwata sa kanyang social media account, ipinakita ni Vice Ganda ang kanyang suporta at kasiyahan sa pagbabago sa buhay ni Diwata. Sinabi ni Vice na lubos siyang masaya sa mga positibong pagbabago na nangyayari sa buhay ni Diwata.

Read also

Vice Ganda, halos isang taong hindi pinalabas ng bahay si Awra Briguela

Ayon pa kay Vice Ganda, patuloy niyang susuportahan si Diwata sa kanyang mga adhikain, at hinimok siya na ipagpatuloy ang paglaban nang patas. Binigyan ni Vice Ganda ng assurance si Diwata na mayroon siyang tagasuporta sa katauhan ni Vice Ganda.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang bago ang nasabing mensahe, nagpadala si Vice Ganda ng mga regalo para kay Diwata, kabilang ang mga bagong upuan, mesa, at tent na maaaring gamitin sa paresan niya.

Ipinakita rin ni Diwata ang kanyang pasasalamat sa suporta at mensahe ng kanyang idolo.

Si Deo Jarito Balbuena na kilala sa online world bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga customer.

Matatandaang nagbahagi ng mensahe si Diwata para sa mga bashers niya na nagsasabi ng masasamang bagay tungkol sa kanya at sa kanyang negosyo. Aniya, hindi madumi ang pagkain niya at ang madumi ay ang ugali ng mga bashers niya. Tinuligsa niya ang kanilang mga saloobin at hinimok silang linisin ang ugali ng mga ito. Binigyang-diin ni Diwata na ang kanyang layunin ay simpleng makabangon sa kahirapan.

Read also

Diwata, nakatanggap ng bahay at 1M pesos mula kay Rosmar Tan

Binahagi ni Alex Gonzaga ang pagpunta nila ni Mikee Morada sa sikat at pinipilahang Diwata Pares. Naroroon din ang may-ari nito na si Diwata at nakita ito sa video na binahagi ni Alex na tila galit. Dahil hindi pa buo at pasilip lamang ang binahagi ni Alex, may mga nakapag-isip na malamang ay na-prank ni Alex si Diwata kaya tila nakasimangot ito. Sa iba pang video na naibahagi online, nanlibre si Alex sa mga taong naroroon at nagbigay siya ng 50,000 pesos para ipangbayad sa pagkain ng mga naroroon at pumipila.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel