Diwata, nakatanggap ng bahay at 1M pesos mula kay Rosmar Tan

Diwata, nakatanggap ng bahay at 1M pesos mula kay Rosmar Tan

- Naiyak si Diwata matapos ipakita ni Rosmar Tan ang kanyang mga regalo para kay Diwata

- Pumunta si Rosmar sa paresan ni Diwata, ngayong araw upang ihatid ang kanyng regalo na aniya ay magpapabago talaga ng buhay ni Diwata

- Bukod sa bahaya, binigyan ni Rosmar ng 1M at pangkabuhayan products na nagkakahalaga din ng isang milyon

- Bukod pa dito, may mamahaling aso at lifetime supply ng pagkain nito ang binigay ni Rosmar nang malamang pet lover din si Diwata

- Umabot raw sa P5 million pesos ang kabuoang itinulong ni Rosmar kay Diwata

Naiyak si Diwata sa sorpresa ni Rosmar Tan sa kanya.Pinanagkaloob ni Rosmar ang isang bagong bahay at P1 milyong piso kay Diwata. Naiyak si Diwata sa kaligayahan at pasasalamat sa natanggap na tulong mula kay Rosmar.

Diwata, nakatanggap ng bahay at 1M pesos mula kay Rosmar Tan
Diwata, nakatanggap ng bahay at 1M pesos mula kay Rosmar Tan
Source: Facebook

Ngayong araw, personal na nagpunta si Rosmar sa paresan ni Diwata upang ihatid ang mga regalo. Ayon sa kanya, ito ay magpapabago talaga ng buhay ni Diwata. Bukod sa bahay at pera, binigyan din ni Rosmar si Diwata ng pangkabuhayan products na nagkakahalaga ng isang milyon.

Read also

Diwata, ibinida ang message sa kanya ni Vice Ganda matapos nitong magpadala ng regalo kay Diwata

Dagdag pa sa mga regalo, isang mamahaling aso at lifetime supply ng pagkain nito ang ibinigay ni Rosmar, alam niyang pet lover si Diwata. Sa kabuuan, umabot sa P5 milyong piso ang halaga ng tulong na ibinigay ni Rosmar kay Diwata.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Deo Jarito Balbuena na kilala sa online world bilang si Diwata at ang may-ari ng trending at pinipilahang Diwata Pares. Bukod sa abot kaya ang kanyang paninda ay sulit din ito at nakakabusog ayon sa kanyang mga customer.

Matatandaang nagbahagi ng mensahe si Diwata para sa mga bashers niya na nagsasabi ng masasamang bagay tungkol sa kanya at sa kanyang negosyo. Aniya, hindi madumi ang pagkain niya at ang madumi ay ang ugali ng mga bashers niya. Tinuligsa niya ang kanilang mga saloobin at hinimok silang linilisin ang ugali ng mga ito. Binigyang-diin ni Diwata na ang kanyang layunin ay simpleng makabangon sa kahirapan.

Binahagi ni Alex Gonzaga ang pagpunta nila ni Mikee Morada sa sikat at pinipilahang Diwata Pares. Naroroon din ang may-ari nito na si Diwata at nakita ito sa video na binahagi ni Alex na tila galit. Dahil hindi pa buo at pasilip lamang ang binahagi ni Alex, may mga nakapag-isip na malamang ay na-prank ni Alex si Diwata kaya tila nakasimangot ito. Sa iba pang video na naibahagi online, nanlibre si Alex sa mga taong naroroon at nagbigay siya ng 50,000 pesos para ipangbayad sa pagkain ng mga naroroon at pumipila.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel