Donny Pangilinan, kinagiliwan online sa version nito ng 'Pantropiko'

Donny Pangilinan, kinagiliwan online sa version nito ng 'Pantropiko'

- Mabilis na nag-viral ang video ni Donny Pangilinan na sumasayaw ng 'Pantropiko'

- Kuha umano ito sa isa nilang mall show, kasama si Belle Mariano at iba pang cast ng Can't Buy Me Love

- Pinakaaabangan ngayon ang nalalabing araw ng nasabing serye na pinagbibidahan ng DonBelle

- Katunayan, kabi-kabilang mga haka-haka ang lumalabas sa kung papaano magtatapos ang CBML

Kinagiliwan ng marami ang version ni "Bingo" ng 'Pantropiko' dance ng Ppop group na Bini.

Donny Pangilinan, kinagiliwan online sa version nito ng 'Pantropiko'
Donny Pangilinan (@donny)
Source: Instagram

Sa isang mall show, game na game si Donny kasama ang kaparehang si Belle Mariano na sumayaw ng Pantropiko.

Mabilis na nag-viral ang mga video na ito ni Donny at umani rin ng papuri lalo na sa mga fans nila ng 'Can't Buy Me Love.'

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Kim Chiu, hindi nakaligtas sa pangangantiyaw co-hosts: "Huwag gano'n, hindi masakit"

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Cutie mo Donny! Pati ikaw napa-Pantropiko na rin"
"All for his Ling. Mami-miss namin kayo Bingo and Ling!"
"OMG, ikaw ba 'yan Bini Donny? So cute!"
"Salamin naman ang next Donny. Galing!"
"Apakapogi naman habang nag-Pangtropiko"

Samantala, narito ang bahagi ng video mula sa @starcreativestv sa IG:

Si Donato Antonio "Donny" Laxa Pangilinan ay isa sa mga kinikilalang mahuhusay na bagong aktor sa bansa. Bukod dito, isa rin siyang model, singer at VJ. Anak siya nina Anthony Pangilinan at aktres na si Maricel Laxa.

Nakilala si Donny sa pagganap nila ni Belle Mariano sa hit series na 'He's Into her'.Tumabo rin sa takilya ang pinakahuling pelikula nila na 'Love is color blind,' at 'An Inconvenient Love.'

Sa ngayon, pinakaaabangan ng marami ang bawat episode ng kanilang teleserye na Can't Buy Me Love. Kabi-kabilang mga haka-haka ang naglabasan sa kung paano magtatapos ang serye na hanggang ngayon ay patuloy na ginugulat ang kanilang mga manonood sa mga rebelasyon na kanilang inilalabas araw-araw.

Read also

Cedric Lee: "Hindi naman dapat magkaroon ng life imprisonment para sa bugbugan lang"

Bukod sa DonBelle, isa rin sa inaabangan sa seryeng ito ay ang tambalang SnoRene nina Anthony Jennings at Maris Racal. Mula ito sa karakter nilang ginagampanan na sina Snoop at Irene. Marami ang naaliw sa makulit na tambalan ng dalawa. At ngayong magatatapos na ang serye kung saan nabuo ang kanilang love team, tinatawag naman sila ngayong 'MaThon' mula sa mga tunay nilang pangalan na Maris at Anthony.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Tags:
Online view pixel