Aira Lipata, nagsalita kaugnay sa isyu sa tinirhang condo: "Para lang dun, ipo-post?"

Aira Lipata, nagsalita kaugnay sa isyu sa tinirhang condo: "Para lang dun, ipo-post?"

- Nagsalita na sa wakas si Aira Lipata kaugnay sa kontrobersiyal na post kaugnay sa umano'y iniwan niyang condo unit

- Nilinaw niyang may trabaho siya noong panahong naglipat sila kaya tanging ang kasambahay at ang driver niya umano ang kumuha ng mga gamit nila

- Nagulat na lamang umano siya nang makita na pati ang ibang gamit sa condo kabilang na ang electric fan ay nadala sa mga gamit na kinuha ng kanyang kasambahay at driver

- Maging ang nag-post sa kanya ay nilinaw na rin na nagkalinawan na sila kaya naman binura niya na ang kanyang post

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nilinaw ni Aira Lipata na hindi siya interesado sa mga electric fan at iba pang gamit na napasama nang lumipat sila ng condo. Aniya, noong nag- move out sila ay may trabaho siya kaya ang kanyang kasambahay at driver ang kumuha sa mga gamit nila sa naturang condo.

Aira Lipata, nagsalita kaugnay sa isyu sa tinirhang condo: "Para lang dun, ipo-post?"
Aira Lipata, nagsalita kaugnay sa isyu sa tinirhang condo: "Para lang dun, ipo-post?" (@chiefaira)
Source: Instagram

Matatandaang nag-viral ang post tungkol sa umano'y iniwanang condo ni Aira at mga kasamahan nito. Kaya nagulat na lamang umano si Aira na kung ano-ano na ang sinasabi sa kanya matapos nga kumalat ang post tungkol sa kanyang tinirhang condo.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Samantala. maging ang taong nag-post tungkol sa iniwang condo ni Aira ay nagpost na din at sinabing nagkalinawan na sila kaya naman binura niya na ang kanyang post.

Si Aira Mae Lipata ay TikToker na nakilala sa kanyang mga dance videos. Sa kanyang mga content ay kumakanta din siya. Matatandaang naging usap-usapan siya matapos maiugnay sa hiwalayan nina Skusta Clee at Zeinab Harake.

Matatandaang naging usap-usapan ang video na binahagi ni Aira sa TikTok kung saan makikita siyang malungkot. Makikita sa naturang video ang kanyang pag-iyak. Kalakip ng video ay ang kanyang mensahe para sa sarili niya tungkol sa pinagdadaanang heart break. Makikita din sa naturang video ang kanyang training ng boxing.

Isang video din ni Aira ang nag-trending. Ito ay ang video kung saan makikita siyang humahalik sa pisngi ni Skusta Clee habang natutulog ang rapper. Ang naturang video ay naiupload sa YouTube na na-share sa Facebook ng page na Skusta Clee TV. Umani ito ng mga reaksiyon at komento mula sa netizens lalo at naging mainit na usapin ang paghihiwalay nina Skusta Clee at Zeinab Harake.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel