Julia Barretto, deadma umano sa pagbati ng ama ayon kay Cristy Fermin

Julia Barretto, deadma umano sa pagbati ng ama ayon kay Cristy Fermin

- Sa YouTube episode ng programa ni Cristy Fermin na Showbiz Now na! natalakay ang tungkol sa umano'y pande-deadma ni Julia Barretto sa pagbati ng amang si Dennis Padilla

- Ani Cristy, sa birthday celebration ni Julia kamakailan, may nagpasabi pa tungkol sa pagbati ng kanyang ama ngunit deadma pa rin umano ang aktres

- Pabiro pa nitong sinabi na hintayin na lamang na magkaroon ng pelikula si Julia at baka ito pa umano ang unang bumati kay Dennis kahit hindi pa nito birthday

- Binanggit pa nina Cristy at ng kanyang kasamahan sa show ang tungkol sa kontrobersiyal na vlog ni Julia kung saan nagsabi ng I love you ang kanyang ama na hindi niya sinagot

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isa sa mga napag-usapan sa YouTube episode ng programa ni Cristy Fermin na Showbiz Now na! ay ang umano'y pang-de-deadma ni Julia Barretto sa pagbati ng kanyang amang si Dennis Padilla sa kanyang kaarawan. Ani Cristy, sa birthday celebration ni Julia kamakailan, may nagpasabi pa tungkol sa pagbati ng kanyang ama ngunit deadma pa rin umano ang aktres.

Read also

Sue Ramirez, emosyonal na naikwento kung paano siya namaalam sa kanyang ama

Julia Barretto, deadma umano ang pagbati ng ama ayon kay Cristy Fermin
Julia Barretto (@juliabarretto)
Source: Instagram

Muling napag-usapan nina Cristy at kasamahan nito ang tungkol sa kontrobersiyal na vlog ni Julia kung saan nakasama niya ang ama. Gayunpaman, hindi na ito napapanood sa YouTube channel ni Julia matapos mabalot ng kontrobersiya dahil sa hindi pagsagot ni Julia sa pagsabi ni Dennis ng "I love you anak."

Si Julia Barretto ay aktres na nagmula mula sa angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz. Anak siya ni Dennis Padilla at ng batikang aktres na si Marjorie Barretto. Pamangkin siya nina Claudine at Gretchen Barretto.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kabila ng mga negatibong reaksiyon ng mga netizens, ibinahagi kamakailan ni Vicki Belo ang litrato nila ni Hayden kasama sina Gerald at Julia.

Para naman kay Gerald, pakiramdam niya ay nabunutan siya ng tinik nang aminin ang tungkol sa relasyon nila ni Julia.

Read also

Juliana Parizcova sa kanyang bashers: "Mukhang mahihirapan kayong asarin ako"

Matatandaang naging usap-usapan nang aminin sa wakas ni Gerald ang tungkol sa relasyon nila ni Julia Barretto sa isang exclusive interview ni Boy Abunda sa kanya.

Kamakailan ay nagbahagi din ng kanyang pahayag si Bea tungkol sa naging relasyon nila ni Gerald sa isang panayam kay G3 San Diego.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel