Vice Ganda at Darren Espanto, kinaaliwan sa kanilang "JEEPpool karaoke"

Vice Ganda at Darren Espanto, kinaaliwan sa kanilang "JEEPpool karaoke"

- Ibinida ni Vice Ganda ang husay sa pagkanta ni Darren Espanto sa pamamagitan ng JEEPpool karaoke

- Dahil lumaki sa Canada si Darren at may kaya naman sila sa buhay, hindi pa nararanasan ni Darren na sumakay sa jeep para mag-commute

- Bumirit sina Vice Ganda at Darren ng ilan sa mga kantang mataas ang tono kagaya ng 'Gusto ko Nang Bumitaw' at Bakit nga ba Mahal Kita'

- Matapos ang kanilang karaoke session sa jeep, nag-anyaya si Darren na panuorin ang kanyang nalalapit na concert

Ibinida ni Vice Ganda ang husay sa pagkanta ni Darren Espanto sa pamamagitan ng kanilang masayang "JEEPpool karaoke." Sa naturang vlog, sumabak sina Vice at Darren sa kantahan habang sakay ng jeep, isang kakaibang karanasan lalo na para kay Darren na lumaki sa Canada at may kaya sa buhay, kaya't hindi pa niya nararanasan ang mag-commute gamit ang jeep.

Read also

Ivana Alawi, Php 2 million ang mother's day gift sa kanyang Mama

Vice Ganda at Darren Espanto, kinaaliwan sa kanilang "JEEPpool karaoke"
Vice Ganda at Darren Espanto, kinaaliwan sa kanilang "JEEPpool karaoke"
Source: Youtube

Bumirit sina Vice Ganda at Darren ng ilan sa mga kantang mataas ang tono tulad ng "Gusto Ko Nang Bumitaw" at "Bakit Nga Ba Mahal Kita." Ang kanilang duet ay umani ng maraming tawanan at papuri mula sa mga netizens na nasiyahan sa kanilang kantahan at kulitan.

Matapos ang kanilang karaoke session sa jeep, nag-anyaya si Darren sa mga manonood na panuorin ang kanyang nalalapit na concert, na tiyak na puno rin ng mga nakakaaliw at matitinding performances.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Vice Ganda ay isa sa pinakasikat na komedyante at TV host sa kasalukuyan. Nakilala siya sa kanyang husay sa pagpapatawa at mga pelikulang kadalasan ay tumatabo sa takilya. Kabilang din siya sa noontime show na It's Showtime na 13 taon nang napapanood sa ABS-CBN. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics.

Read also

Andrew Schimmer at mga anak, dinalaw ang puntod ni Jho Rovero nitong Mother's Day

Kinaaliwan si Kim Chiu matapos ibuking ni Vice Ganda na konting kibot daw naiiyak si Kim Chiu. Sa kanilang pag-uusap sa episode ng It's Showtime, pinuna ni Vice ang naging reaksiyon ni Kim sa kanyang pagkukuwento. Hirit naman ni Vhong Navarro, nagiging baka daw si Kim. Tawang-tawa naman si Kim sa mga hirit na ito ng kanyang mga co-hosts.

Kinaaliwan din ang biruan nina Vice Ganda at Jhong Hilario sa Isip Bata segment ng It's Showtime. Pabirong sinabi ni Vice Ganda sa madlang people na i-mass report si Jhong. Tawang-tawa naman silang mga host sabay sabi ni Jhong na na-block na nga daw siya ng Facebook. Matatandaang naging biruan nila ito simula nang matanggal ang Facebook page ni Rendon Labador dahil daw sa pag-mass report.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Online view pixel